Ang former Barangay Ginebra San Miguel point guard na si JayJay Helterbrand ang isa sa mga tumutulong sa former PBA player na si Roider Cabrera.
Si Roider, na dating naglaro sa koponan ng Terrafirma sa PBA, ay inatake sa puso noong Nobyembre 2021.
Nangangailangan siya ngayon ng tulong pinansiyal para sa kanyang medical bills.
Kaugnay nito, nagbenta si JayJay ng collector cards na may pirma niya.
Ang malilikom na salapi ay ibibigay ni JayJay para may pambayad sa ospital ang pamilya ng dating PBA player na matagal nang nakaratay mula nang magkaroon ng karamdaman.
“This time, we’re selling JayJay Helterbrand signature cards, only fifty pieces for PHP2,500. All the proceeds will go to Roider for his medical bills.
“Please, if you can, join us in being part of the charity,” mensahe ni Helterbrand sa mga nagnanais bumili ng kanyang limited signature cards para makatulong kay Roider.
Read: Rufa Mae Quinto confirms husband Trevor Magallanes's death
ROIDER CABRERA NEEDs TO UNDERGO ANGIOGRAM
Kabilang si JayJay at ang mga miyembro ng PBA Moto Club sa mga pinasasalamatan ni Rachaleen Cabrera, ang nakababatang kapatid ni Roider, dahil sa kanilang tulong at suporta.
Kailangan nang sumailalim ni Roider sa angiogram para malaman kung may mga bara ang ugat sa puso niya na maaaring sanhi ng kanyang hirap na paghinga.
Nagpapasalamat din si Rachaleen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dahil sa artikulong inilabas noong Miyerkules, Hulyo 30, tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang kapatid.
Naging instrumento raw ito para makatanggap sila ng karagdagang tulong pinansiyal mula sa anonymous donors.
Ilalabas na dapat si Roider mula sa ospital ngayong Huwebes, Hulyo 31, 2025, dahil umabot na sa isang milyong piso ang bayarin.
Pero hindi natuloy ang kanyang paglabas dahil, ayon kay Rachaleen, inaayos pa ang record ng kapatid niya, pati na ang medical abstract at final billing para sa mga guarantee letter na natanggap nila.
Read: Former PBA player Roider Cabrera, di pa natutuloy ang angiogram