Makalipas ang apat na taon, muling umarte sa harap ng kamera ang PBA player na si Ricci Rivero.
Tagumpay ang kanyang pagbabalik dahil mataas ang rating ng guesting niya sa Regal Studio Presents ng GMA-7 noong nakaraang Linggo, Hulyo 27, 2025.
Tinanggap ni Ricci ang acting assignment sa drama anthology series ng Regal dahil conference break ng PBA, kung saan naglalaro siya para sa koponan ng Phoenix Fuel Masters.
Read: Judy Ann Santos shares secrets to her showbiz longevity: "Makisama ka nang tama."
Pero kahit na paglalaro ng basketball ang priority niya, nagdeklara siyang hangga’t kakayanin ng schedule, hindi na niya tatanggihan ang acting offers na darating sa kanya.
Pahayag ni Ricci sa Cabinet Files: “I am thankful sa Regal Studio Presents people for their trust to get me again. My last television series are also with them.
“Medyo nanibago ako sa set but our director Easy Ferrer and my co-star, Roxie Smith, made it all easy for me to adjust agad.”
View this post on Instagram
HIGHEST-RATED REGAL STUDIO PRESENTS EPISODE IN 2025
Tuwang-tuwa si Ricci dahil sa balitang nakarating sa kanya na ang guesting niya sa Regal Studio Presents ang pinakamataas ang rating sa lahat ng mga kabanata ng programa mula noong Enero 2025.
Nakapagtala ng 3.6% rating ang episode na tinampukan ni Ricci.
Magtutuluy-tuloy na ba ang pag-aartista niya?
Sagot ni Ricci: “If given the right material and kung kaya naman po makapag-adjust sa training schedule and game schedule ko sa PBA, I will consider po na ituloy na ulit.
“Iba rin po talaga kasi yung laban on set at yung fulfillment kapag natapos nang maganda at nagustuhan ng mga nanood.”
Ibinahagi rin ni Ricci sa Cabinet Files ang mga plano niya bago matapos ang 2025.
“The new conference begins this October po so, more or less, priority po muna."
Sa tingin ni Ricci ay "baka hindi kayanin" kung pagsabayin niya ang paglalaro ng basketball at filming para sa isang long series or movie.
"Pero yung short narratives, I can do it po,” sabi niya.
Read: Aktor, nanganganib di matuloy ang kasal sa kanyang fiancee
Habang season break ang PBA, hindi lamang ang pag-arte ang binalikan ni Ricci.
Sinamantala rin niya ang pagkakataon para makapagbakasyon tulad ng kanyang matagal na pananatili sa isla ng Siargao.
Lahad ni Ricci, “I stayed in Siargao for almost one month with my brother and I just came from Bali, Indonesia, with friends.
“Iba lang po talaga ang energy na ibinibigay sa akin ng dagat dahil nare-recharge ako.”
View this post on Instagram