Pasasalamat at pakiusap ang bagong mensahe ni Rufa Mae Quinto sa publiko.
May kinalaman pa rin ito sa pagkamatay ng kanyang asawang si Trevor Magallanes.
Read: Rufa Mae Quinto's husband Trevor Magallanes dies
Una, nagpaabot siya ng pasasalamat para sa lahat ng mga nagpapadala ng mensahe ng pakikiramay sa kanya at sa anak nila ni Trevor na si Athena.
Ikalawa, humingi siya ng pakiusap sa mga taong ginagamit na social media content para pagkakitaan sa maling paraan ang malungkot na pangyayari sa kanilang pamilya.
Nagdudulot lamang ito ng kalituhan dahil sa mga walang basehang haka-haka tungkol sa tunay na dahilan ng pagpanaw ni Trevor sa Amerika.
Unang napaulat ang biglaang pagpanaw ni Trevor noong Huwebes, Hulyo 31, 2025.
Read: ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje
RUFA MAE QUINTO STATEMENT
Ang kabuuang pahayag ni Rufa Mae na ibinahagi niya sa kanyang Facebook: "Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng mensahe ng pakikiramay.
"As we cautiously navigate through this emotionally difficult period in our lives, we would appreciate discretion from everyone.
"Nakikiusap ako na huwag naman po ninyong gamitin ang pangyayaring ito para magkaroon lamang kayo ng ‘content’.
"As the wife of Trev, all information surrounding his passing will come from me. Ang lahat ng detalye ay maaari ko lang maibigay sa tamang oras.
"For the sake of our daughter, Athena, please refrain from spreading unverified information that she can access through social media.
"Let us just remember the good times that we had with my husband, Trev."
Napakalungkot ng sitwasyon ni Rufa Mae sa kasalukuyan dahil sa sunud-sunod na pagsubok na kanyang pinagdaraanan.
Pero matapang niyang hinaharap ang mga ito.
Nakadagdag sa malungkot na kalagayan ni Rufa Mae ang katotohanan na sila na nga ng kanyang anak ang nawalan ng minamahal sa buhay, pero siya pa ang kailangang makiusap para igalang ng publiko ang kanilang pagdadalamhati.