Pinabulaanan ni Klea Pineda ang balitang si Janella Salvador ang third party sa paghihiwalay nila ni Katrice Kierulf, ang kapwa-babaeng nakarelasyon niya sa loob ng tatlong taon.
Ginawa ni Klea ang paglilinaw sa GMA Gala na ginanap sa Manila Marriott Hotel, Pasay City, noong Sabado, Agosto 2, 2025.
Read: Klea Pineda: Janella not a third party in breakup with Katrice
Kinabukasan, araw ng Linggo, Agosto 3, bandang alas-dos ng hapon, nakitang magkasama sina Klea at Janella sa lobby ng Marriott.
Kaya sa kabila ng pagtanggi ni Klea, nadagdagan ang mga pagdududa sa paliwanag niya.
Ang sighting kina Janella at Klea sa lobby ng hotel ang isa lamang sa mga insidente na namataan sila na magkasama.
Read: Klea Pineda reveals breakup with Katrice Kierulf
KLEA PINEDA AND JANELLA SALVADOR IN A MOVIE
Sa panayam kay Klea sa GMA Gala, sinabi niyang naging magkaibigan sila ni Janella dahil sa pelikulang ginawa nila, ang Open Endings.
Hindi pa nagsasalita si Katrice tungkol sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Klea.
Pero nadamay sa isyu ang pangalan ni Janella dahil sa “pag-like” ni Katrice sa mga komento sa social media na nag-uugnay kay Janella at Klea.
Official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Festival 2025 ang Open Endings, na may kuwentong tungkol sa pagkakaibigan at mga pagnanasa ng mga tomboy.
Co-stars nina Janella at Klea sina Jasmine Curtis-Smith at Leanne Mamonong sa Open Endings.
Nagkaroon ng ingay at mga libreng publicity ang Open Endings dahil sa isyu ng pilit na pag-uugnay kina Klea at Janella sa isa’t isa.
Read: Is Janella Salvador the third party in Klea-Katrice split?
View this post on Instagram