Headline ng blind item ng isang online news site ang tungkol sa celebrity-pulitiko na nagbenta diumano ng resort sa Puerto Galera dahil naghihirap na matapos ang masakit na pagkatalo sa halalan.
Kahit hindi siya pinangalanan, alam ni Willie Revillame na siya ang tinutukoy ng aniya'y imbentong balita.
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files, sinabi ni Willie na maraming beses nang naglalabas ng wala umanong katotohanang balita tungkol sa kanya ang online news site.
Ito ang dahilan kaya nagdesisyon siyang magsalita para hindi na malinlang ang mga taong maaaring mapaniwala ng fake news na wala umanong basehan at nakasisira ng reputasyon.
Read: MC and Lassy reveal losing P10 million to gambling
WILLIE REVILLAME SPEAKS UP ABOUT FAKE NEWS
Mariing itinanggi ni Willie na naghihirap na siya kaya ibinebenta niya ang kanyang beach resort sa Puerto Galera.
Bilang katunayan, noong Biyernes, Agosto 1, 2025, lamang ay magkasama raw sila ng internationally acclaimed at multi-awarded furniture designer na si Kenneth Cobonpue para sa pagdidisenyo ng kanyang events place sa Puerto Galera.

Saad ng TV host sa Cabinet Files: “Yung beach resort/hotel ko sa Puerto Galera, pampersonal ko yon, hindi pang-business.
“In fact, magkasama kami ni Kenneth noong Biyernes, kasama niya ang mga designer niya. Inikot nila ang beach resort ko dahil sila ang magde-design ng events place ko.”

Ipinagtataka rin ni Willie kung bakit ginagawang isyu ang pagbebenta niya ng kanyang bahay sa Quezon City na matagal na raw nangyari.
Ayon kay Willie, ipinagbili niya ang kanyang bahay sa Quezon City, na dating pag-aari ng ABS-CBN executive na si Gabby Lopez, dahil masyado nang malaki para sa kanya ang nabanggit na tahanan.
Read: Bea Alonzo seen with Vincent Co after GMA Gala 2025
WILLIE REVILLAME'S NEW PROPERTIES
Para patunayang gawa-gawa lamang ang balitang naghihirap na siya, inisa-isa ni Willie sa Cabinet Files ang mga bagong ari-arian na naipundar nito.
Una, ang yacht na binili niya sa halagang US$12 million.

Pangalawa, ang 49th floor at penthouse ng isang posh condominium building sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.
Pangatlo, ang kanyang newly acquired vehicle na Tesla Beast.
Binanggit din ni Willie ang penthouse ng Wil Tower na kanyang pag-aari, at ang apat na condominium units sa BGC na matagal na niyang binili pero hindi pa natitirhan.
Habang kausap ng Cabinet Files si Willie, papunta raw siya sa Dasmariñas Village, Makati City, para tingnan ang bahay at lupa na bibilhin matapos ang ilang taong paninirahan sa condominium building.
Ang mga ari-arian ni Willie na inisa-isa nito ang mga ebidensiyang hindi dapat paniwalaan ang fake news laban sa kanya na paulit-ulit umanong inilalabas ng online news site.