Si Pauline Amelinckx ang first runner-up sa Miss Supranational 2023 na ginanap noong Hulyo 14, 2023.
Si Tarah Valencia naman ang third runner-up sa Miss Supranational 2025 na idinaos sa Nowy Sacz, Poland, noong Hunyo 27, 2025.
Sa kasaysayan ng Miss Supranational, si Mutya Datul pa lamang ang kinatawan mula sa Pilipinas na nagwagi.
Napanalunan ni Mutya ang korona ng Miss Supranational 2013 sa Minsk, Belarus.
Read: Will Ashley speaks up on WillCa-DustBia fan war

NEW MISS SUPRANATIONAL REQUIREMENTS
Marami sa Filipino beauty pageant fans ang nanghinayang nang hindi naiuwi ni Pauline ang mailap sa Pilipinas na korona ng Miss Supranational noong 2023.
Pero binago na ng Miss Supranational Organization ang mga patakaran kaya puwede nang sumali ulit sina Pauline at Tarah.
Ngayong Martes, Agosto 5, 2025, inilabas ng Miss Supranational Organization ang eligibility changes sa mga dating kandidata na nagnanais muling subukan ang kanilang kapalaran sa Poland-based international beauty pageant.
Nakasaad dito: “Candidates who have previously competed at Miss Supranational may return to participate at Miss Supranational again after a two-year period.
"National Organizations may choose to adapt their eligibility requirements for returnees accordingly.
“The above excludes candidates who have previously won the Miss Supranational title.
“For example: A candidate who competed at Miss Supranational in 2025 may be eligible to compete again in Miss Supranational 2027.”
Hindi lamang ang mga dating kandidata sa Miss Supranational ang maaaring lumahok muli.
Tatanggap na rin ang organisasyon ng mga nanay at hiwalay sa asawang contestants.
Pero mananatiling mula 18 hanggang 32 ang edad na kailangan.
Read: Rica Peralejo meets family of late ex-boyfriend Red Sternberg
MISTER SUPRANATIONAL
Halos pareho ang mga pagbabago sa patakaran sa pagpili ng candidates ng Miss Supranational at Mister Supranational.
Papayagan na muling sumali sa Mister Supranational ang mga dating kandidato makaraan ang dalawang taon.
18-34 pa rin ang age limit; at puwede nang lumahok ang mga may asawa, hiwalay, at meron nang mga anak.
Sa kasaysayan ng Mister Supranational, hindi pa nananalo ng korona ang kinatawan ng Pilipinas.
Fourth runner-up si Kenneth Vincent Cabungcal sa Mister Supranational 2025, at second runner-up naman si Brandon Espiritu sa Mister Supranational 2024.
Read: GMA Gala 2025 Awards: BreKa wins Couple of the Night