“Gusto lang namin i-empower ang mga kaedad namin na puwede pa. It’s not yet too late.”
Ito ang paliwanag nina Aubrey Miles, Maui Taylor, at Diana Zubiri tungkol sa pagre-recreate ng kanilang 2003 FHM calendar pictorial na naganap sa isang photo studio sa Maynila ngayong Huwebes, Agosto 6, 2025.

Certified best-seller noong 2003 ang kalendaryo nina Aubrey, Maui, at Diana para sa FHM Philippines, ang dating leading men’s magazine ng Summit Media.
Read: FHM 2003 calendar girls Aubrey, Diana, at Maui nag-reunion
Twenty years old noon si Aubrey at exclusive contract star ng Regal Films.
Nineteen years old si Maui na pambato noon ng Viva Films.
At seventeen years old lamang si Diana na nagrereyna noon sa Seiko Films.
Naganap ang kanilang pictorial para sa 2003 calendar ng FHM Philippines sa Panglao, Bohol, noong Setyembre 2002.
AUBREY, MAUI, AND DIANA RECREATE FHM PICTORIAL
Makalipas ang 23 taon, inulit ng tatlo ang kanilang sexy pictorial para sa defunct men’s magazine pero bilang mga mature at full of wisdom women na.
Forty-three years old na si Aubrey, 42 si Maui, at 40 na si Diana.
Pero taglay pa rin nila ang mga seksing pangangatawan at magagandang mukha na pinagpantasyahan noon ng mga kalalakihan.
Ipinagkatiwala ng tatlo sa Cabinet Files ang ilan sa patikim na mga larawan ng kanilang photo shoot na naging masaya at masigla dahil binalikan nila ang mga alaala ng mga hindi makalilimutang karanasan ng kanilang kabataan.
