Tumatanggap ng mga pagbati ang actress-singer na si Beverly Salviejo dahil sa pag-amin nitong sumailalim siya sa rhinoplasty procedure para gumanda ang hugis ng kanyang ilong.
Maituturing na inspirasyon ng mga senior citizen si Beverly dahil sa edad na 66, pinatunayan niyang hindi pa huli para sa self-enhancement.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Beverly na nangyari ang pagpapaayos niya ng ilong noong Hulyo 8, 2025.
Matapos ang operasyon, puro positibo na raw ang resulta sa kanya.
“Lumuwag ang aking paghinga, tumaas ang aking natural voice rangle at di na ako nag-e-effort na mag-nose line.
"At hindi na nakakalat ang aking ilong sa aking mukha…I love my new nose!” deklarasyon ni Beverly sa kanyang post.
Read: Kris Aquino goes into preventive isolation in Tarlac: "There may be no tomorrow for me."
BEVERLY SALVIEJO ANSWERS "WHY ONLY NOW?"
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Beverly ngayong Martes, Agosto 12, sinabi niyang ngayon ang tamang panahon na nagpaayos siya ng ilong.
Saad niya: “I do not think that it is too late dahil ngayon lang. It’s the right time.
"Kasi noon naman bata-bata pa ako, nakita ko naman yung mga profile picture ko, maganda naman. Hindi mahirap mag-nose line.
"Pero ngayon, mahirap na. Bumabagsak at lumalapad na ang ilong ko. Hindi naman ito ganito.
“Sabi rin, nade-deplete ang ating collagen as we age.
"So, hindi siya late for me kasi marami nga ang nagtatanong, ‘Bakit ngayon lang?’
“E, kasi, ngayon lang dumating yung doktor na pagtitiwalaan ko nang husto, si Dr. Homer Mendoza.
"Siya ang nagkumbinsi sa akin and I am very proud to be associated with him."
Matagal daw pinag-isipan ni Beverly kung magpapaayos siya ng ilong.
Lahad niya: “Isang taon akong nag-dilly-dally kasi gusto kong makita muna yung trabaho, at saka may nag-warn sa akin na kapag nagpaayos ako ng ilong, baka kukulob ang boses ko.
“Although nakita ko naman yung iba, okay naman sila. Pero papaano kung sa akin mangyari na magkaroon ng diperensiya?
“Sabi ko, ‘Doc, ayoko po ng masyadong matulis. Ayokong magbabago ang mukha ko.'
"Kasi may mga nakita akong nag-iba ang hitsura. Hindi ko na siya nakikilala.
“I also want to make sure na hindi maaapektuhan adversely yung aking boses kasi kumakanta ako, e.
"More than TV and movies, it is singing na mas active ako. Dun ako nag-umpisa.
"Kapag walang trabaho sa TV at movies, sa singing ako active."
Read: Jake Zyrus shows topless photo anew; netizens react
BEVERLY SALVIEJO TO FELLoW SENIOR CITIZENS AND CELEBRITIES
Malusog daw ang pamumuhay ni Beverly dahil wala siyang bisyo, plant-based ang mga kinakain, at higit sa lahat, hindi raw siya naninira ng kapwa.
May payo rin si Beverly sa mga senior citizen na nag-iisip magpaayos ng mukha at sa mga kapwa-artistang ayaw amining sumailalim sila sa rhinoplasty procedure.
“Go for it!" sambit niya.
"Maibibigay ba ng ibang tao yung satisfaction mo, especially when you’re growing old?
“Alam mo, ang ilong natin, actually buong mukha natin, bumabagsak dahil sa gravity.
"Yung ilong ko noon, when I was younger, 'Bakit ba itong aking ilong parang lumalapad, bumababa or something?' Basta hindi ko siya gusto."
Patuloy niya: “At sa mga ayaw umamin, bakit, ikinahihiya nila? They want people to believe na ever since ganoon kaganda ang ilong nila?
"Ang sa akin, it is not something to be ashamed about.
“Ginawa mo, e, embrace it! Hindi yung ginawa mo tapos itinatago mo?
"Bakit? Labag ba siya sa kautusan ng tao at ng Diyos? Hindi naman, e.
“Tayo kasi, in this business, is into the beauty business. Hindi ko sinasabing beautiful ako, but you have to look good and presentable.
“At kapag dumarating yung pagkakataon, why not?
"But for you to deny it, ikinakahiya mo ba? Masama ba yung ginawa mo?
"Sa akin, hindi! I am proud."
Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda's Duterte joke at concert
BEAUTY ENHANCEMENT AMONG CELEBRITIES
Si Beverly ang senior star na ipinagmamalaki ang pagpapaayos ng ilong.
Sa mga nakababatang artista, kabilang ang PBB: Celebrity Collab Edition housemates na sina Mika Salamanca, AZ Martinez, at Dustin Yu sa mga umaming sumailalim sa rhinoplasty procedure.
Sinubukan ng Cabinet Files na tanungin si Dustin tungkol sa kanyang desisyong magpaayos ng ilong sa isang clinic sa Greenhills, San Juan City, noong 2022.
Pero tila hindi pa siya handang pag-usapan ito matapos isiwalat sa isang interview na may kinalaman ang sleep disorder na sleep apnea sa kanyang desisyon.
Hindi pa rin nagsasalita si Sanya Lopez sa usa-usapang nagpaayos siya ng ilong kamakailan.
Hindi masisisi si Sanya kung ayaw pa nitong magsalita.
Puwede niyang gamitin ang “My body, my choice” bilang simpleng katuwiran at sagot sa mga taong pinag-iinitan nang husto ang pagbabago sa kanyang mukha.
Read: Sanya Lopez, nagmistulang Marimar sa birthday pictorial