Sa gitna ng mainit na isyung kinasasangkutan ng kanyang political affairs officer na si Nadia Montenegro, na may kaugnayan sa paggamit diumano ng marijuana sa Senado, pinaboran ni Senator Robin Padilla ang panukalang binuhay ni Camarines Sur Representative Miguel Luis Villafuerte.
Ito ang House Bill 420 na may pangunahing layuning gawing legal at payagang gumamit ng medical marijuana ang mga Pilipinong may epilepsy at ibang mga sakit na nakababahala.
Layunin din ng House Bill 420 na magtatag ng Medical Cannabis Office (MCO), sa ilalim ng Department of Health (DOH), bilang pangunahing ahensyang may pananagutan sa regulasyon, administratibo, at pagsubaybay sa pag-angkat ng marijuana.
Read: Wild Boys producers share "tragic experience" working with Aljur and Vin Abrenica
ROBIN PADILLA ON MEDICAL MARIJUANA BILL
Sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes ng gabi, Agosto 15, 2025, sinang-ayunan ni Padilla ang panukalang isinusulong ni Villafuerte.
Pahayag ni Padilla: “Tama po kayo sa medical cannabis Ginoong Congressman, at higit sa lahat po ay ang magkaroon na ng katapusan ang diskriminasyon sa mga patiente na nangangailangan nito.
“Dapat simulan na po kaagad ng plenaryo ang debate sa isyu ng medikal na marijuana.
“Ang paglilitiis sa pamamagitan ng publisidad sa mga ulo ng balita ay lubhang nakakatulong sa pagkakalantad ng halaman ngunit ang mga tunay na nakapagpapagaling na mga benepisyo ng halaman ay hindi masyado pinasisikat o pinag usapan.”
NADIA MONTENEGRO LEAVE OF ABSENCE
Samantala, pinabulaanan ng chief of staff ni Padilla na si Atty. Rudolf Philip Jurado ang kumakalat na balitang nagbitiw si Nadia sa tungkulin nito dahil sa kinasasangkutang isyu.
Nilinaw ni Jurado na on leave lamang si Nadia mula pa noong Agosto 13.
Ang kanilang tanggapan daw ang humiling sa aktres na mag-leave of absence ito habang pinaiimbestigahan ni Senate President Francis Escudero ang insidente.
Read: Nadia Montenegro asked to take a leave of absence in the Senate pending investigation