Hindi naging sabagal ang buhos ng ulan at masikip na sitwasyon ng trapiko noong Biyernes, Agosto 15, 2025, para hindi tangkilikin ng mga tagahanga ng Vivarkada ang ultimate fan meet at grand concert sa Araneta Coliseum ng kanilang mga iniidolong Viva stars.
Napuno ang coliseum ng libu-libong manononood na sinulit ang pagsuong sa ulan at traffic dahil tumagal nang mahigit sa tatlong oras ang pagtatanghal ng mga artista ng Seducing Drake Palma, Bad Genius, Ang Mutya ng Section E., Avenues of the Diamond, Safe Skies Archer, I Love You Since 1892, at Chasing in the Wild.
Ipinakilala rin sa naganap na pagtitipon sina Bea Binene at Wilbert Ross bilang mga bida ng upcoming Viva One series na Golden Scenery of Tomorrow.
Read: Bea Binene, first time nag-solo female lead sa pelikula
Matapos ang matagal na panahon na walang kapareha si Bea, nakahanap na siya ng love team sa katauhan ni Wilbert at tanggap na tanggap ng kinikilig na fans ang pagtatambal nila.
Read: Wilbert Ross, pinagtawanan lang ang one-night-stand rumor

Kung nakakagiba ang malakas na hiwayan, nagiba na ang Araneta Coliseum dahil sa pagdampi ng labi ni Angela Muji sa labi ni Rabin Angeles matapos ang kanilang song number.
Hindi makapaniwala ang fans ng mga bida ng Seducing Drake Palma na magiging mapangahas si Angela sa split second lip service nito kay Rabin.

Matagal nang hindi napapanood na sumasayaw sina Jerome Ponce, Marco Gallo, Jairus Aquino, Gab Lagman, at Lance Carr, kaya muling naalaala ng manonood ang talent nila sa pagsasayaw sa kanilang all-male dance number.
Pero umagaw ng eksena si Joseph Marco na binulabog ang mga nagulat na manonood nang maghubad siya ng pang-itaas.

Ipinamalas ni Bad Genius lead actress Atasha Muhlach na minana niya ang galing sa pagsasayaw mula sa kanyang mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.

Tulad ng sinabi noon ni Marco sa media conference ng Vivarkada, may production number sila ng kanyang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo.
Maayos ang paghihiwalay ng dalawa kaya walang naramdaman na tensyon sa production number nila.

Isa sa mga host at performer sa Vivarkada si Andrei Yllana, ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana.
Marami ang natuwa sa natural na reaksyon ni Andrei na kinakabahan siya kaya nalimutan niya ang pangalan ng direktor na kanyang dapat sasabihin.