Kabilang ang Avenues of the Diamond lead actor na si Lance Carr sa mga diumano'y nawalan ng cellphone matapos idaos ang ultimate fancon at grand concert ng Vivarkada sa Araneta Coliseum noong Biyernes, Agosto 15, 2025.
Nawala diumano ang cellphone ni Lance habang pinagkakaguluhan at napapalibutan ng mga tagahanga nila ni Aubrey Caraan.
Nabahala nang husto si Lance nang mapagtanto na nawawala ang cellphone niya at mabilis na tumulong ang kanyang kaibigan na si Marco Gallo sa paghahanap.
Nakunan si Marco ng video habang nag-aalok ito ng pabuya na PHP20,000 para sa sinuman na magsosoli sa biglang naglahong mobile phone ni Lance.
@lancebreyforever Lance is so worried ???? BFF marco offering 20k para mabalik phone ni bff lance ???? ang saya na sana, may panira lang na magnanakaw.???? wait for your karma ategirl na kumuha ng phone, sana dika patulogin ng konsensya mo!!!???? @Lance Justin Carr @Marco Gallo #lancecarr #lancebrey #marcogallo ? original sound - lancebreyforever
Hindi natapos sa pag-aalok ng pabuya ang pagtulong ni Marco kay Lance dahil ibinahagi niya sa isang Instagram post ang iba’t ibang anggulo ng mga video habang dinudumog sina Lance at Aubrey ng mga tagahanga.
Mapapanood dito ang kumpol ng mga taong nakapalibot kina Lance at Aubrey.

Nag-zoom in ang video sa kamay ng isang babaeng humawak sa bandang bulsa ni Lance.
Nabaling sa kanya ang atensiyon ng fans, na ngayon ay gustong ma-trace kung sino siya.
Natapos ang video, pero liban sa nakikitang hawak na niyang cellphone, walang iba pang nakitang hawak na cellphone ang babae.

Kaya't may isang netizen ang nag-point out na: "But the video didn't show anyone let alone her stealing the phone right?”

Pinutakti ng puna at panunutya ng iba pang followers ni Marco ang netizen dahil sa komentong ito, pero may babala ang isa pang netizen na nasa comment section: "beware of making comments too...think before you click as they say."

Samantala, hindi lamang daw si Lance ang nawalan ng phone sa event: “other fans also reported their phones missing too in that same area including our friend…”

Sa post ni Marco maingat na sinabi niyang ayaw niyang magbintang kaya ipinauubaya niya sa publiko ang paghuhusga tungkol sa kahina-hinalang kilos ng babae na malinaw na nakunan ng video ang mukha.
Lahad ni Marco sa Instagram post nito: “After tonight’s concert, a phone belonging to our friend Lance went missing in the crowd. Thanks to the help of some kind people, we were able to gather video from different angles showing a certain individual during the time of the incident.
“While we cannot make any conclusions without certainty, the footage does raise questions.
“If you recognize this person, please reach out to us directly and feel free to share this post so we can recover the phone. Thank you for helping us keep our community safe.”
View this post on Instagram
Hindi nabale-wala ang panawagan ni Marco dahil mabilis na ibinahagi sa social media ng mga tagahanga nila ni Lance ang video at screenshots ng mukha ng babaeng nakunan na tila may dinudukot mula sa bulsa ng pantalon ni Lance.
Isa lamang si Lance sa maraming napaulat na nawalan ng cellphone sa concert ng Vivarkada na tinangkilik at dinumog ng manonood.