PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newcomer Kiko Antonio ibinida ang pagkakaiba sa ibang baguhan

Unti-unti nang natutupad ang kanyang pangarap.
by Jojo Gabinete
Published Aug 17, 2025
Kiko Antonio
Maliit na bata pa lang daw siya noon ay pangarap na ni Kiko Antonio na maging artista. Kaya't napakasaya niya nang mapabilang sa Campus Cutie ng Sparkle GMA Artist Center at papirmahin na ng build up contract.
PHOTO/S: Benjie Alipio

Matutong makisama at huwag yumabang ang ilan sa mga payo ni Ejay Falcon kay Kiko Antonio, ang finalist ng Campus Cutie search ng Sparkle GMA Artist Center.

Pinapirma na si Kiko ng build up contract ng talent management arm ng GMA Network Inc.

Ang talent manager na si Benjie Alipio ang mentor-discoverer ni Ejay at siya rin ang namamahala sa budding showbiz career ni Kiko kaya nagkaroon ito ng pagkakataon na makausap si Ejay.

Read: Ejay Falcon graduates from college after 17 years

“Maraming advice ang ibinigay sa akin ni Kuya Ejay—kung paano gumalaw sa mundo ng showbiz, at paano tumagal.

"Pero ang tanging tumatak sa akin ay dapat matuto akong makisama at huwag yayabang dahil ito ang magsisilbing daan upang maabot ko ang pangarap ko sa showbiz,” pahayag ni Kiko sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.

Kiko Antonio, Ejay Falcon, and Benjie Alipio
Kiko Antonio, Ejay Falcon, and Benjie Alipio.
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Francis Gabriel Antonio ang tunay na pangalan ni Kiko at isinilang siya noong Enero 22, 2008. May taas na 5’9" si Kiko na honor student mula high school hanggang ngayon.

Walong taon ang edad ni Kiko nang mapagtanto nito na mahilig siyang umarte at magtanghal sa harap ng maraming tao.

Hindi matagal ang paghihintay ni Kiko para makapasok sa showbiz dahil Abril 2024 nang magtagpo ang mga landas nila ni Benjie, ipinakilala bilang finalist ng Campus Cutie noong Hunyo 2025, at noong Agosto 12, 2025, pumirma siya ng kontrata bilang isa sa mga talent ng Sparkle GMA Artist Center.

“Sobrang saya at napaka-unexpected. Hindi ko inakala na makakaabot ako ng ganitong kalayo sa showbiz industry dahil sa suporta ng mga magulang ko at ni Tita Benjie,” reaksyon ni Kiko sa mga nangyayari ngayon sa kanyang kasisimula pa lang na showbiz career.

“Bata pa lang ay pangarap ko nang maging sikat at makita ang sarili sa big screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Matagal akong nagsikap para mas lalo pa akong humusay sa pag-arte at gumanda ang katawan ko.

“Maraming beses akong nag-audition sa GMA-7 na hindi ako nako-call back, pero ang laging payo ni Tita Benjie sa akin ay ‘May kanya-kanyang oras yan, anak. Darating din ang oras mo.’

“Sa huling audition ko sa GMA-7, sinabi ni Tita Benjie sa akin na, ‘It’s time to shine.’

“Na-call back at ni-recruit ako ng Sparkle management para isali sa pioneer batch ng Campus Cutie.

“Sa dalawampung contestants na sumabak sa Campus Cuties, labingdalawa ang kasabay ko na pumirma para maging contract artist ng Sparkle GMA Artist Center.

Read: Meet Mad Ramos, the first Sparkle Campus Cutie winner

“At ngayon na paunti-unti nang natutupad ang mga pangarap ko ay lubos akong nagpapasalamat sa Diyos na aking mahal,” kuwento pa ni Kiko na estudyante ng College of St. Benilde ng De La Salle University.

Aniya, kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at ang pag-aartista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nababalanse ko ang pag-aaral ko at ang aking showbiz career.

“Nung una, hirap na hirap ako sa time management. Pero nang tanggalin ko ang paglalaro ng mobile games, napatunayan ko na kaya ko palang pagsabayin ang showbiz career at ang pag-aaral ko."

Naniniwala rin si Kiko na ang kanyang determinasyon ang malaking pagkakaiba niya sa mga kasabayang baguhan na aktor.

Walang pag-aalinlangang sinabi ni Kiko na: “Lahat kami guwapo. Lahat kami magagaling umarte. Pero ang pagkakaiba ko ay ang aking determinasyon at tunay na pagmamahal sa pag-arte.

“Masigasig akong nagsisikap at nagtatrabaho para mapabuti ang aking sarili at matuto mula sa bawat pagkakataon.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maliit na bata pa lang daw siya noon ay pangarap na ni Kiko Antonio na maging artista. Kaya't napakasaya niya nang mapabilang sa Campus Cutie ng Sparkle GMA Artist Center at papirmahin na ng build up contract.
PHOTO/S: Benjie Alipio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results