“Nakakaloka!”
Ito ang reaksiyon ni Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean “MJ" Lastimosa sa national costume ni Sophia Francine Barles ng Bamban, Tarlac, sa preliminary competition ng Miss Grand Philippines 2025.
Ginanap ang prelims ng Miss Grand Philippines 2025 sa Manila Okada Hotel, Parañaque City, noong Linggo, Agosto 17, 2025.
Read: Wild Boys producers share "tragic experience" working with Aljur and Vin Abrenica
Pinoy Pop Culture ang theme ng National Costume competition ng Miss Grand Philippines.
Maiintindihan ang komento ni MJ dahil ang “iconic gown” na ginamit niya sa Miss Universe 2015 ang inspirasyon ng kasuotan ni Sophia.
Ang gown ni Sophia ay nilikha ng fashion designer na si Jomar Peralta ng Pangasinan.
Ang Colombian fashion designer namang si Alfredo Barraza ang designer ng Miss Universe gown ni MJ—na ikinumpara noon sa birthday cake, nagkaroon ng memes, at tumanggap ng mga batikos dahil banyaga at hindi Pilipino ang gumawa.
Read: Kazel Kinouchi, nabunyag ang pagkakaroon ng asawa't anak

"MIRIJIN" NATIONAL COSTUME
Tinawag ni Peralta na “Mirijin” ang national costume na ginawa niya para kay Sophia dahil sa life-size image ni MJ sa likod ng kasuotan ng kandidata mula sa Tarlac.
Lahad ni Peralta sa Cabinet Files: “Since Mary Jane Lastimosa’s journey in Miss Universe, namulat po ang lahat ng pageant fans, lalo ang mga designer na i-push ang mga Filipino design for Filipina queens competing internationally.
“Si MJ po ang dahilan kaya po nakilala ang maraming magagaling na Filipino designers sa pageant.
“Truly, she is an inspiration and is considered as icon in the pageantry.”
Paliwanag pa niya sa "Mirijin" national costume ni Sophia: “A 'birthday cake' dress became a wake-up call that ignited a design revolution.
“When a foreign-designed gown fell flat, Filipinos rallied, demanding their own world-class talent take center stage. This wasn’t a mistake, it was a movement.
“It’s a reminder that sometimes, the most unforgettable moments are born not from perfection but from the most-talked about surprises.
“This turning point empowered a new generation of local designers to reclaim their narrative and showcase the Philippines unique history and vibrant traditions to the grandest stages."
Read: Miss Universe Russia 2017 dies weeks after car accident
Ayon kay Peralta, dalawang linggo ang kanyang ginugol para mabuo ang Mirijin.
Hindi man magandang pakinggan, nakatulong daw ang sunud-sunod na bagyo noong nakaraang buwan para lalong mapaganda ang kanyang obra.
Saad niya: “We created the costume for about two weeks po pero twice na na-postpone ang preliminary competition dahil sa mga bagyo kaya na-polish po namin nang mabuti ang Mirijin.”
Natutuwa si Peralta dahil marami ang nakapansin sa national costume ni Sophia.
“I am so happy po and at the same time, thankful kay Lord dahil binigyan niya ako ng talent.
"Kaya every time po na may project ako, I consider it po na I am working for the Lord's glory and not for me,” pahayag niya.
Nag-umpisa si Peralta bilang fashion designer noong 2009.
Siya ang lumikha ng Diwata at Pagbuskad, ang mga national costume ng aktres na si Vickie Rushton nang sumali ito sa Binibining Pilipinas noong 2019 at 2020, respectively.
Pero hindi nag-iisa si Sophia dahil ang viral at iconic national costume din ni MJ noong 2014 ang inspirasyon ng national costume ni Margarette Briton ng Bicol, na opisyal na kandidata sa Miss Grand Philippines 2025.
Nakatakda ang koronasyon ng Miss Grand Philippines 2025 sa Agosto 24, 2025, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Read: Liza Soberano painfully recalls trauma caused by parents, foster family