Dumalo si Wilbert Ross sa red-carpet premiere ng Posthouse bilang suporta kay Bea Binene, ang kapareha niya sa upcoming Viva One series na Golden Scenery of Tomorrow.
Ang pagtatambal nina Wilbert at Bea sa Golden Scenery of Tomorrow ang dahilan kaya nabuo ang WillBea loveteam.
Mainit na tinanggap ang WillBea ng mga tagahangang tumangkilik sa Vivarkada, ang ultimate fancon at grand concert na idinaos sa Araneta Coliseum, Quezon City, noong Biyernes, Agosto 15, 2025.
Read: Bea Binene at Wilbert Ross, ipinakilala bilang bagong love team
Hindi lamang si Wilbert ang sumuporta sa red-carpet premiere ng Posthouse dahil dumalo rin si McCoy de Leon.
Nasilayan ng publiko si McCoy sa bihirang pagkakataon mula nang ianunsiyo nila ni Elisse Joson ang kanilang dramatikong paghihiwalay noong Hulyo 25, 2025.
Read: Elisse Joson and McCoy de Leon confirm breakup
POSTHOUSE CAST ATTENDS POSTHOUSE PREMIERE
Idinaos ang red-carpet premiere ng Posthouse sa Cinema 16 ng Gateway Mall 2.
Dinaluhan ito ng lead stars ng pelikula na sina Bea, Sid Lucero, at ng mag-amang Carlos Siguion Reyna at Rafa Siguion Reyna.
May special participation si Ryza Cenon sa Posthouse.
Kasama ng aktres sa premiere ang kanyang four-year-old son na si Night, na matapang na bata dahil gustong magpakuha ng litrato na kasama ang imahe ng manananggal na makikita sa lobby ng sinehan.
R-16 ang classification na ibinigay ng MTRCB sa psychological movie ng Viva Films kaya hindi nanood si Ryza dahil naghihintay sa kanya ang anak niya.
Umalis agad si Ryza matapos bumati sa manonood ang cast ng Posthouse.
Hindi lamang si Ryza ang may special participation sa pelikula na itatanghal sa mga sinehan simula sa Agosto 20 dahil may cameo role din ang direktor na si Bobby Bonifacio Jr.
As himself ang karakter na ginampanan ni Bobby sa Posthouse, at libre ang paglabas niya sa pelikula bilang suporta sa kanyang kaibigang si Nikolas Red.
Ang Posthouse ang movie directorial debut ni Nikolas, na mahusay na film editor ang reputasyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Read: EA Guzman, "na-scam" sa first night nila ni Shaira Diaz