Walang katotohanan ang mga haka-hakang si Heart Evangelista ang ipinalit kay Vice Ganda bilang celebrity endorser ng isang popular fast food chain.
Nanggaling ang pagtutuwid mula sa isang nakakaalam sa tunay na kuwento at sa naganap na negosasyon.
Lumutang ang mga espekulasyong pinalitan ni Heart si Vice dahil sa “jetski holiday” joke ng huli sa nakaraang Super Divas concert nila ni Regine Velasquez.
Hindi ito nagustuhan ng mga masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya nanawagan silang i-boycott o huwag tangkilikin ang fast food chain na iniendorso ng TV host-comedian.
Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda's Duterte joke at concert
VIVIAN VELEZ BOYCOTTS VICE GANDA'S ENDORSEMENTS
Ang aktres at avid Duterte supporter na si Vivian Velez ang isa sa mga nangunguna sa panawagang i-boycott ang fast food chain na si Vice ang endorser.
Bilang patunay, ibinahagi ni Vivian sa social media page nito ang kanyang larawang kumakain ng hamburger na produkto ng ibang fast food chain.
Hindi lamang ang fast food chain ang gusto ni Vivian na huwag tangkilikin ng publiko dahil isinali rin niya ang ibang product endorsements ni Vice.
Read: EA Guzman, "na-scam" sa first night nila ni Shaira Diaz
Pero iginiit ng taong nakausap ng Cabinet Files na walang ipinalit at walang pinalitan dahil karagdagan si Heart sa growing family at mga celebrity ambassador ng fast food chain na iniendorso rin ni Vice.
Nadamay lamang ang pangalan ni Heart dahil lumabas ang mga larawan niya bilang bagong endorser ng fast food chain, ilang araw matapos pagpistahan ang “jetski holiday” joke ni Vice.
View this post on Instagram
Sinabi ng Cabinet Files source — na alam ang buong kuwento tungkol sa negosasyon sa pagitan ni Vice at ng fast food chain management — na nananatiling maganda at maayos ang relasyon ng magkabilang-panig.
“Far from over” ang binitiwang salita ng Cabinet Files informant tungkol sa isyung hindi ni-renew ang kontrata ng It’s Showtime host kaya hindi dapat paniwalaan ang balitang walang matibay na basehan.
Read: Liza Soberano finally confirms breakup with Enrique Gil