PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo, Jerome Ponce di nagpatinag sa negative comments

Jerome Ponce, inaming nalungkot sa reaksiyon ng iba.
by Jojo Gabinete
Published Aug 19, 2025
heaven peralejo jerome ponce i love you since 1892
Heaven Peralejo and Jerome Ponce take on the challenge of playing the lead roles in the series adaptation of Wattpad novel I Love You Since 1892 amid mixed reactions from the public.
PHOTO/S: @viva_tv on Instagram

Lumikha ng ingay at naging malaking kontrobersiya nang ipakilala sina Heaven Peralejo at Jerome Ponce bilang mga bida sa seryeng I Love You Since 1892 sa cast reveal media conference noong Hulyo 24, 2025.

Marami kasi ang umasang sina Janella Salvador at Marlo Mortel ang gaganap sa mga karakter nina Carmela at Juanito.

Matagal na pinag-usapan ang isyung maraming beses nag-trend online.

Inalam ng Cabinet Files ang reaksiyon nina Heaven at Jerome tungkol sa nangyari nang humarap sila sa grand conference ng I Love You Since 1892 ngayong Martes, Agosto 19, 2025.

Read: Heaven Peralejo, bibida sa Wattpad series I Love You Since 1892

Pahayag ni Jerome: “Well, let’s be honest. Maraming nagulat.

"Nagulat in a way na, 'Bakit ganito? Bakit ganyan?'

“Pero wala naman kaming magagawa kundi gawin ang trabaho namin.

"Again, ito na yung nangyari sa amin. Ganoon din naman ang nangyari. It keeps going and going.”

Inamin ni Jerome na nalungkot siya sa naging reaksiyon ng publiko, pero tanggap daw niya ang katotohanang may mga hindi pabor na siya ang magbigay-buhay sa katauhan ni Juanito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “May mga tao tayo na hindi umaayon at naaayon sa ibinibigay sa ating trabaho, pero sa huli ay kailangan nating gampanan yung ibinigay sa ating trabaho.

“Ako medyo… nakakalungkot kasi siyempre, eto na naman. Si Jerome na naman na hindi na naman napunta sa imagination ng mga tao, ng readers.

“But nandoon ako sa point na baka siguro it’s an opportunity for me na mapu-prove ko na kaya ko pa. Puwede ko pang gawin yung role na hindi para sa akin.

“Pero I’m really open at kinakabahan sa magiging gradings sa akin na ite-take ko rin as learnings at stepping stone din sa akin, sa career ko.”

Read: Liza Soberano answers bashers shaming her for speaking up about past trauma

View this post on Instagram

A post shared by Viva One (@vivaoneph)

HEAVEN PERALEJO UNPERTURBED

Para kay Heaven, trabaho lamang ang lahat kaya hindi siya magpapatinag sa ingay na nilikha ng pagganap niya sa mga karakter nina Carmela at Carmelita sa I Love You Since 1892.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya: “Nung una po talaga, actually, hindi naman siya masyadong nag-sink sa akin.

"But then, I think last night, unconsciously, nakikita, nababasa ko yung mga comments and, unconsciously, napo-project ko rin siya sa sarili ko.

“But alam niyo, sobrang nakakatuwa, kasi kagabi, ang una kong kinausap si Jerome. Sinasabi ko sa kanya yung nararamdaman ko regarding sa mga online, sa mga comments.

“And then, nag-open up din ako sa production namin, sa team namin. Nakakatuwa kasi ipinaalala nila sa akin, bakit nga ba ako nandito ulit? Ano bang core ko?

“Oo nga, aktres ako. Ito yung job ko. Mahal ko yung trabaho ko.

"And I shouldn’t be contained with one character na ang ganda-ganda ng istorya, and alam ko sa sarili ko na binibigay ko yung one hundred percent. So bakit nagkakaroon ako ng alinlangan?

“Dun ko nakita na, dapat sa unang-una, ako yung nagtitiwala sa sarili ko and, of course, nagtitiwala ako sa mga kasamahan ko, sa direktor ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Alam naming lahat na ibinibigay namin yung one hundred percent para sa proyekto na ito."

Nagbitaw ng salita si Heaven na hindi siya magpapatinag at iniaalay niya sa Diyos at maraming tao ang proyektong pinagbibidahan nila nina Jerome at Joseph Marco.

“So, hindi tayo magpapatinag dun. Hindi,” determinadong pahayag ni Heaven.

“Ito ginagawa ko bilang Carmela/Carmelita, itong proyekto na ito, inaalay ko ito, of course, sa ating Diyos, sa management, and sa mga taong nagmamahal.

"Dun tayo dapat nagpo-focus. Dapat positive lang tayo."

Read: Wild Boys producers share "tragic experience" working with Aljur and Vin Abrenica

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo and Jerome Ponce take on the challenge of playing the lead roles in the series adaptation of Wattpad novel I Love You Since 1892 amid mixed reactions from the public.
PHOTO/S: @viva_tv on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results