Ang pagdalo sa mga fan meet at premiere night para samantalahin ang pagkakagulo ng mga tagahanga sa mga iniidolong artista ang bagong modus operandi ng mga magnanakaw ng cellphone at pitaka.
Nangyari ito kamakailan sa magkahiwalay na insidente: ang red-carpet premiere ng isang pelikula at sa Vivarkada Ultimate Fancon And Grand Concert na ginanap sa Araneta Coliseum noong Agosto 15, 2025.
Hindi lamang ang aktor na si Lance Carr ang nadukutan ng cellphone sa parking lot ng Araneta Coliseum matapos ang Vivarkada show dahil nawalan din ng telepono ang kasama niya habang napapaligiran at pinagkakaguluhan sila ng mga tagahanga.
Read: Lance Carr nawalan ng cellphone; hinihinalang suspect, na-video?
Malinaw na nakunan ng video sa iba’t ibang anggulo ang hitsura ng female suspect na nakitang pasimpleng ipinapasok ang kanyang kamay sa bulsa ng pantalon ni Lance na abala noon sa pakikipag-usap sa fans.
Sa tulong din ng mga nagmamalasakit na tagasuporta ni Lance, naikalat na ang video pero hindi pa natutukoy ang pangalan ng suspek.
Sapat na babala ang ipinakalat na video para mamukhaan ang suspek at mabantayan ang mga kilos nito sa susunod na magbalak siyang gumawa ng krimen.
Napa-blotter ni Lance sa police station ang krimeng naranasan at nakabili na siya ng bagong cellphone kaya naibabahagi na niya muli sa social media ang kanyang mga pinagkakaabalahan mula nang idaos ang Vivarkada event.
Read: Mayor Ina Alegre desididong sampahan ng reklamo si Michole Sorela ng GenSan Warriors
TV5 REPORTER MJ MARFORI ALSO FALLS VICTIM TO SNATCHER
Gaya ni Lance, ninakaw rin ang cellphone ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori habang nag-iinterbyu ito ng artista sa red-carpet premiere ng isang TV series na naganap sa Robinsons Galleria.
Huli na nang mapansin ni MJ na nawawala ang kanyang cellphone bilang abala nga siyang ginagampanan ang kanyang trabaho. Pero natitiyak niyang nagpanggap na fan ang kriminal.
Pinag-iingat ang lahat ng mga dumadalo sa mga showbiz-related event dahil ito na ang pinupuntirya at pinupuntahan ng masasamang-loob na sinasamantala ang pagkakagulo at pagdumog ng fans sa mga artista para makapagnakaw sila.
Read: Maine Mendoza clarifies remark on Alden Richards meant no malice