Taken out of context ang sinabi ni Shaira Diaz na parang "na-comatose" ang kalahati ng katawan niya.
Itinanggi ni Shaira na iyon ang sagot niya sa isang panayam nang kumustahin ang unang gabi nila ni Edgar Allan "EA" Guzman bilang mag-asawa.
“Fake news” ang reaksiyon ni Shaira nang makita ang social media post bilang clickbait para makuha ang atensiyon ng mga tao.
Read: Shaira Diaz tells EA Guzman: "Magiging masaya ka na mamaya."
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files sa bagong kasal, ipinaliwanag ni EA ang konteksto ng sagot ni Shaira na binigyan ng malisya.
Paglilinaw ng aktor: “Yun ang reason niya kung bakit siya nakatulog, ‘Na-comatose ako.’
“Kaya siya nakatulog dahil parang na-comatose siya. Kasi nga namamanhid ang legs niya dahil sa heels, sa sapatos na ginamit niya."
Tinanong naman ng Cabinet Files si Shaira kung nasubukan na niyang sanayin ang sarili sa pagpirma ng Guzman dahil ito na ang kanyang married family name.
“Hindi pa. Oo nga ano!” napaisip na sagot ni Shaira.
Inusisa rin namin si Shaira tungkol sa kinaroroonan sa kasalukuyan ng kanyang made-in-South-Korea wedding gown na tumanggap ng mga papuri dahil simple pero napaka-elegante.
“Ipina-dry clean ko na pero hahanapan ko pa ng puwesto kasi medyo malaki,” sabi ni Shaira.
Nakausap ng Cabinet Files sina EA at Shaira pagkatapos ng kanilang live guesting sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Miyerkules, Agosto 20, 2025.
Read: EA Guzman and Shaira Diaz now married

THE WEDDING DAY
Naganap ang pag-iisang dibdib nina EA at Shaira sa St. Benedict Parish, Silang, Cavite, noong Agosto 14, 2025.
Marami ang naantig nang damdamin dahil sa pag-iyak ni EA habang pinagmamasdan nito ang paglalakad ni Shaira patungo sa kanya.
Ibinahagi ni EA kung bakit hindi niya napigilan ang mapaluha.
Saad niya: “Wala, e, pagkabukas pa lang ng pinto [ng simbahan], parang may liwanag tapos puting-puti siya. Parang anghel.
"Tapos nung papalapit nang papalapit na siya, ang nasabi ko lang, ‘Oh my God, ang ganda-ganda ng asawa ko.’"
Ikinagulat naman ng mga bagong kasal ang mataas na views sa video nila nang nakasakay na sila sa bridal car papunta sa kanilang wedding reception sa Angelfields Nature Sanctuary, Tagaytay City.
Kuwento ni EA: “Yung video ko na sakay kami ng kotse, papunta kami sa reception, 40 million views, yung video na sinasabi ko na kasal na kami. Parang fifteen seconds lang, 40 million ang views.”
Read: EA Guzman, "na-scam" sa first night nila ni Shaira Diaz
Hindi raw masyadong nakakain si EA sa wedding reception nila ni Shaira dahil naging abala sila sa pakikisalamuha sa mga bisita.
“Yung steak mismo, yung main course na, yun lang ang nakain ko.
"Merong sherbet [frozen dessert] na ni-request ko. Nung food tasting, wala yung sherbet, hindi kasama, so iniregalo sa amin ng Juan Carlo [food catering].
“Sabi ko, pagkarating na pagkarating namin sa reception, yun ang ibigay sa akin para ma-refresh ako kasi refreshing yung lasa.
“Wala na. Nakalimutan ko na. Pero sa table, nung umikot kami, nakikita ko siya pero hindi ko natikman.
“Buti na lang, noong Sunday, nagpadala sa akin si Sir Alex ng Juan Carlo, pinadalhan ako ng sherbet na araw-araw kong kinakain, lunch at dinner.”
Read: Celebrities spotted at Shaira Diaz and EA Guzman's wedding