Makalipas ang mahigit dalawang buwang pagkawala sa It’s Showtime, muling napanood sina Lassy Marquez at MC Calaquian sa noontime variety program ng ABS-CBN at GMA-7 ngayong Huwebes, Agosto 21, 2025.
Maliban sa announcement sa official Facebook page ng It’s Showtime na “Babalik na silang dalawa sa barangay It’s Showtime,” walang fanfare ang pagbabalik nina MC at Lassy.
Ipinakita lamang silang kasama ng ibang hosts sa opening number ng programa.
Read: EA Guzman, "na-scam" sa first night nila ni Shaira Diaz

SPECULATIONS ABOUT MC AND LASSY'S ABSENCE
Iba’t iba ang mga reaksiyon at opinyon mula nang hindi mapanood sina MC at Lassy sa It’s Showtime noong Hunyo 2025.
Lumitaw ang mga haka-hakang may hindi pagkakaunawaang nangyari sa pagitan nila at ni Vice Ganda dahil sa YouTube vlog nitong lumabas noong Mayo 22, 2025.
Pinaratangan ni Vice si MC na hindi marunong makisama dahil palaging nagpapahintay sa kanila nang magbakasyon silang magkakabarkada sa Coron, Palawan.
Marami ang naawa at nakisimpatiya kay MC, samantalang tumanggap si Vice ng mga batikos mula sa mga taong naniniwalang mali ang kanyang inasal.
Read: Vice Ganda calls out MC Muah: “Hindi marunong makisama.”
Ilang araw matapos lumabas ang video, hindi na nakita sina MC at Lassy sa noontime variety show na napapanood din sa GMA-7, Kapamilya Channel, A2Z, at AllTV.
Nagkaroon ng mga espekulasyong tiyak na magbabalik sina MC at Lassy sa It’s Showtime nang sumipot sila at binigyan ng partisipasyon sa magkasunod na gabi ng Super Divas, ang concert nina Vice at Regine Velasquez sa Araneta Coliseum noong Agosto 8 at Agosto 9.
Sa naturang pagtatanghal, nakipag-usap at nakipagbiruan pa si Vice sa kanila, isang patunay na maayos na uli ang relasyon nila bilang magkakaibigan.
Hindi nagkamali ang kutob ng mga tao tungkol sa posibleng pagbabalik nina MC at Lassy sa It’s Showtime.
Labintatlong araw makaraan ang concert nina Vice at Regine, muling nasilayan ang dalawa sa nabanggit na noontime show ngayong araw.
Read: MC and Lassy also missing in action at Vice Ganda’s comedy club