Pinabulaanan ng broadcast journalist at content creator na si Julius Babao na sampung milyong piso ang kapalit ng panayam niya sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
Nangyari ang panayam ni Julius sa mga Discaya halos isang taon na ang nakararaan at patuloy na mapapanood sa kanyang Unplugged YouTube channel.
Ang pagtanggi at paglilinaw ni Julius ay kaugnay ng Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong Huwebes, Agosto 21, 2025.
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcast journalists over old Discaya interviews
Nadamay ang pangalan ni Julius at ng kapwa broadcast journalist nitong si Korina Sanchez dahil napagtuunan ng atensiyon ni Mayor Vico ang lumang interviews sa mag-asawang Discaya na nagpapakita ng kanilang yaman.
Si Sarah Discaya ang nakalaban ni Sotto sa mayoral race sa Pasig City noong May 2025 elections.
Sina Sarah at Curlee ang nagmamay-ari sa dalawang construction company na tumanggap umano ng malaking halaga ng pera mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa flood control projects.
Read: Nadia Montenegro resigns from Senator Robin Padilla’s office; denies marijuana use
MAYOR VICO SOTTO'S FACEBOOK POST
Sa kanyang Facebook post, binigyang-pansin ni Mayor Vico ang pag-interbyu ng ilang kilalang journalists sa mga contractor na pumapasok sa pulitika kapalit umano ng malaking halaga.
Bahagi ng post ni Mayor Vico: “With these interviews again going viral, let’s look at it from a different angle…
“Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, 'Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin??'
“I know for a fact that there are many good, honest people in media who are disappointed, if not angered, at practices like this which undermine the integrity of their profession.
“In this case, maybe they didn’t do anything technically 'illegal,' but at the very least it should be considered shameful and violative of the spirit of their code of ethics.
“Puwede silang magtago sa grey areas: 'hindi naman journalism ito… more of lifestyle lang… kailangan kasi ng sponsor…' pero wag na tayong maglokohan.
“They rose to national prominence as broadcast journalists/news personalities; puhunan [dapat] nila ang kanilang reputasyon at kredibilidad... at sa ganitong kalakaran, ito rin ang reputasyon at kredibilidad na pinahihiram nila sa mga corrupt kapalit ng [money emoji].
“Let’s remember that corruption is systemic... it permeates into every sector of society, not just government. But we can slowly but surely break this cycle if more and more of us consistently do our part, wherever we are and whatever are position may be, one step at a time. (*not an exact figure pero alam nyo na).”
Bagamat walang binanggit na mga pangalan, gumawa ng ingay ang Facebook post ni Mayor Vico dahil ibinahagi niya ang screenshots mula sa videotaped interview nina Julius at Korina sa Discaya couple.
Read: Maine Mendoza spills how Alden Richards reacted to her confession

JULIUS BABAO REACTS TO MAYOR VICO'S POST
Ngayong Huwebes ng gabi, Agosto 21, inilahad ni Julius sa Cabinet Files ang kanyang panig tungkol sa kontrobersiyal na Facebook post ni Mayor Vico.
Nilinaw ni Julius na isang lifestyle feature at hindi news report ang panayam niya sa mag-asawang contractor ng mga proyekto ng pamahalaan.
Pahayag ng beteranong broadcaster: “Unang-una, ang interview na yan ay hindi isang news report. Ito ay lifestyle feature para sa YT channel ko na naglalabas ng mga inspiring success stories.
“At the time and month in 2024 when the interview was made, it was a profile feature of a couple who rose from rags to riches because of their different business ventures.”
Kasunod nito ay itinanggi ni Julius ang mga haka-haka at maling akala na may sangkot na sampung milyong piso ang kanyang panayam kina Sarah at Curlee.
“Walang katotohanang may 10 million na involved for this interview,” giit ni Julius.
“Ang layunin ng vlog ay ma-inspire ang mga taong posibleng maging matagumpay kung magsisipag lang at didiskarte sa buhay.
"Very interesting kasi ang rags-to-riches story nila.”
Ipinaalaala rin ni Julius na hindi pa kumakandidato si Sarah para sa pagiging alkalde ng Pasig City nang maganap ang kanilang pag-uusap noong nakaraang taon.
“Nung mangyari ang interview, wala pang nabanggit na plano ang mag-asawa na papasukin nila ang pulitika.
“Hindi pa din lumabas ang kahit anong isyu na may kinalaman sa kanilang mga government projects nung panahong ito.
“Ang nais lang nila noon ay ma-share ang kanilang success story sa publiko,” saad ni Julius.
Read: Liza Soberano answers bashers discrediting her trauma story