Nakahanap ng kakampi ang veteran broadcast journalists na sina Korina Sanchez at Julius Babao sa katauhan ng kanilang kasamahan sa industriya na si Arnold Clavio.
Sangkot sa kontrobersiya ngayon sina Korina at Julius dahil sa alegasyon ni Pasig City Mayor Vico Sotto na bayad ang dating interviews ng dalawang broadcasters sa mag-asawang contractors na sina Curlee at Sarah Discaya.
Kabilang ang dalawang kompanyang pagmamay-ari ng mga Discaya sa binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 15 construction companies na nabigyan ng pinakamalaking porsiyento mula sa PHP545 billion budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa flood control projects.
Read: Lars Pacheco admits cheating on longtime boyfriend Clyde Vivas three times
ARNOLD CLAVIO ON MAYOR VICO SOTTO'S POST
Sa pamamagitan ng Instagram post ngayong Biyernes, Agosto 22, 2025, pinaratangan ni Arnold Clavio sa Mayor Vico ng paninira at iresponsableng pagbibitiw ng mga pahayag.
Nag-ugat ang panawagan ni Arnold mula sa Facebook post ni Mayor Vico tungkol sa dati at magkahiwalay na panayam nina Julius at Korina sa mga Discaya.
Si Sarah ang nakalaban ni Vico sa mayoral race nitong nakaraang May 2025 elections.
Lumikha ng ingay ang social media post ni Mayor Vico noong Huwebes, Agosto 21, dahil sa pasaring nito sa "kilalang journalists" na pumayag interbyuhin ang mag-asawang Discaya kapalit umano ng "10 million."
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcast journalists over alleged paid Discaya interviews
Hindi nagustuhan ni Arnold ang mga pahayag ni Mayor Vico.
Bilang pagtatanggol sa mga kasamahan sa broadcast industry na tumatanggap ngayon ng mga panghuhusga mula sa publiko, isang mahabang mensahe ang kanyang ipinarating sa alkalde ng Pasig City.
Sinimulan ng beteranong Kapuso broadcaster ang kanyang post sa pamamagitan ng isang makahulugang quote: “When someone accuses you of doing something you’re not doing, it’s usually because they’re the ones doing it — Anonymous”
Pagpapatuloy ni Arnold: “Nag-post si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang FB account, ‘Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, 'Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin??'
“Kasama sa post ang mga larawan ng panayam nina Julius Babao at Korina Sanchez sa mag-asawang Discaya bago pa ang election noong Mayo. Bahagi ito ng pagpapakilala ng mag-asawang Discaya sa publiko dahil tatakbong alkalde ng Pasig City si Sarah Discaya.
“Sa huli, sabi ni Sotto, '*not an exact figure pero alam nyo na.'"
Read: Lars Pacheco admits cheating on longtime boyfriend Clyde Vivas three times

ARNOLD CLAVIO CHALLENGES MAYOR VICO TO SHOW EVIDENCE
Hinamon ni Arnold si Mayor Vico na huwag itong magtago sa mga patutsada at maglabas ng mga ebidensiyang magpapatunay na tumanggap ng bayad mula sa mag-asawang Discaya sina Julius at Korina.
Saad niya: “Mayor, kung mayroon kang matibay na ebidensiya laban kina Babao at Sanchez, na nagpabayad sa mag-asawang Discaya para sila ay makapanayam, ilantad mo.
“Kung hindi ka sigurado sa P10 milyong piso, magkano ba?
“O mayroon ba? Dahil sabi mo, ‘Alam ninyo na.’
"Hindi ko ito inaasahan na manggagaling sa iyo ang napaka-iresponsableng pahayag na ito? Gusto kong malaman. Tulungan mo kami.
“Huwag kang magtago sa mga pasaring, parinig o haka-haka dahil sa industriya namin, mahalaga ang terminong ‘verification’ ng facts sa pagbabalita.
“Maraming pinagdadaanan ang isang balita bago ito umere.
“Sa amin sa GMA Network, Inc. at Super Radyo DZBB, sinasala ang bawat panayam at kailangan na may approval ng mga news manager.”
Para kay Arnold, hindi makatarungan ang mga paninira at akusasyon ni Mayor Vico laban kina Julius at Korina dahil nakakaapekto raw ito sa industriyang kinabibilangan nila.
Giit ng GMA Integrated News anchor: “Ang akusasyong ito laban kina Babao at Sanchez ay tila di makatarungan hindi lamang sa dalawa kundi sa buong industriya.
“Hindi ito para ipagtanggol ko ang dalawang mamamahayag sa paninira ni Sotto kundi ang ma-proteksyunan ang buong industriya ng pamamahayag — na kinukuhanan ng impormasyon ng publiko.
“Nahaharap kami ngayon sa malaking hamon pagdating sa kredibilidad. Nandyan ang ‘social media’ na pilit sinisiraan ang ‘mainstream media’ at mas pinaniniwalaan pa ng marami.”
Pakiusap pa niya kay Mayor Vico: “Mayor, huwag ka nang makisawsaw sa mapanganib na panahon dahil sa sarili mong interes na politikal. Nasa demokrasya tayo at may karapatan ang sinuman na marinig ang kanilang panig.
“Ang kuwestyunin mo ang makapanayam ang kalaban mo sa politika ay pagsikil sa karapatan ng publiko sa impormasyon.
“Parehas tayo ng layunin na magkaroon ng malinis na gobyerno pero huwag mo naman isingit sa kamalayan ng mga Pilipino na ikaw lang ang malinis at matuwid.
“Binanggit mo pa na ‘Puwede silang magtago sa grey areas. Hindi naman journalism ito… more of lifestyle lang…kailangan kasi ng sponsor pero wag na tayong maglokohan.'”
Sa huli, tinanong ni Arnold si Mayor Vico tungkol sa nalalaman nito sa propesyon nila nina Julius at Korina.
Humingi rin siya ng respeto mula kay Mayor Vico dahil trabaho lamang at walang personalan ang pagsasalita niya tungkol sa isyung pinagpipistahan ngayon.
Sabi ni Arnold: “Ano ang alam mo sa propesyon namin Mayor? Ano ang grey areas na binabanggit mo? Gusto kong malaman.
“Balik ko sa iyo ito Mayor, ‘Wag na tayong maglokohan.’
“Talaga? Wala ka bang District Engineer sa Pasig City? Wala ka bang kongresista? Wala ba siyang insertions? Wala ka bang flood control projects? Wala ka bang Bids and Awards Committee?
“May trabaho ka. May trabaho rin kami. Respeto. Walang Personalan.”
Read: Mayor Isko Moreno, uminit ang ulo sa isang Manila congressman
View this post on Instagram