Ipinakilala sa Vivarkada Ultimate Fancon at Grand Concert sa Araneta Coliseum noong Agosto 15, 2025 sina Jerome Ponce, Heaven Peralejo, at Joseph Marco bilang mga artista ng romance-drama series na I Love You Since 1892.
Malakas na hiyawan at palakpakan mula sa manonood ang sumalubong sa tatlo nang umakyat sila sa entablado.
Read: Korina Sanchez camp slams Mayor Vico Sotto's "slanderous" FB post
View this post on Instagram
Personal itong nasaksihan ni McArthur "Mac" Alejandre, ang direktor ng upcoming series ng Viva One.
Lahad ni Direk Mac: “Hindi pa nag-uumpisa ang show, nagtitilian na ang mga tao.
"Ang unang pumasok sa isip ko, ang galing-galing ng Viva. Without a network and just using their own infrastructure and the app, they were able to create this fandom, a very, very interesting fandom with a varied menu of artists.
"Ang husay-husay ng Viva.”
STAYING TRUE TO I LOVE YOU SINCE 1892
Sa pamagat pa lamang, hindi maipagkakailang nangyari at nag-umpisa noong 1892 ang kuwento ng serye na pinagbibidahan nina Jerome, Heaven, at Joseph kaya malalalim at matalinghagang Tagalog ang kanilang mga pangungusap.
Sinabi ni Direk Mac na bilang direktor ng proyekto, tiniyak niyang naging matapat siya sa orihinal na materyal na isinulat ni Mia Alfonso.
“We tried very hard to be as true to the original material so yung lengguwahe ng original material ay may lalim pero may accessibility,” sagot niya sa tanong ng Cabinet Files tungkol sa malalalim na salita na binigkas ng mga karakter ng I Love You Since 1892.
Paliwanag pa niya: “Ganoon ang ginamit namin, tapos yung being true to the original material doesn’t mean merely sticking to it.
“It means speaking to it and translating it into visual terms.
"So, ito ay ayon kung ano ang pananaw ng produksiyon kung papaano palalawigin ang original material ni Bb. Mia.
“Gusto kong sabihin na lahat kami storytellers and we take our responsibility as storytellers seriously.
“At para sa mga kaibigan ko sa press na nakasama ko sa journey ko bilang direktor, halos 34 years na akong direktor, mahal na mahal ko ang propesyon ng pagkukuwento.
“At ang pagkukuwento namin ay isang tribute hindi lamang sa materyal, hindi lamang sa mga artista o sa pagka-Pilipino natin, kundi ito ay para sa lahat ng manonood saan mang sulok ng mundo sila naroroon, simply because ang kuwento ng I Love You Since 1892 ay tungkol sa pag-ibig.
"At bilang storyteller, yan ang pinakamasarap ikuwento sa lahat.”
Read: Christopher Roxas reveals how he fixed marital issue with Gladys Reyes
I LOVE YOU SINCE 1892 CAST
Idinagdag ni Direk Mac na excitement at hindi kaba ang kanyang nararamdaman para sa bagong proyekto niya sa Viva One dahil mahuhusay raw na artista sina Heaven, Joseph, at Jerome.
Saad niya: “Magagaling silang mga artista. Bilang isang beterano sa industriya, hindi lang ito labanan ng pasikatan kundi labanan ng patagalan.
“At tatagal ka kung mahusay ka. So malinaw sa utak ko na ang show na ito na kinabibilangan nila ay magsisilbing isang malaking pundasyon.
“Tungkol ito sa pundasyon ng papaano sila magiging mas mahusay pa para mas tumagal sila at mas maraming magawa na makabuluhang proyekto.
“Ang tamang emosyon na naramdaman ko ay excitement. Simply because lahat kami naniniwala sa materyal at alam namin na may mga inambag kami para mas lalong ma-enhance yung original material on print form.
"So, excited kaming makita ng mga tao kung papaano namin ito na-translate onscreen."
Read: Will-Bianca-Dustin upcoming movie excites WillCa, DustBia fans