Sa hanay ng mga broadcast journalist, ang veteran broadcaster at Unang Hirit anchor na si Arnold Clavio ang unang nagtanggol kina Julius Babao at Korina Sanchez laban sa mga pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ito ay kaugnay ng pagpuna ni Mayor Vico sa panayam nina Julius at Korina sa mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.
Inakusahan ni Arnold si Mayor Vico ng paninira dahil sa diumano’y mga haka-haka nitong nakasisira sa kredibilidad ng mga mamamahayag.
Partikular na pinuna ni Arnold ang bahaging ito ng pahayag ni Mayor Vico: "Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, 'Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin??'"
Related Stories:
- Mayor Vico Sotto calls out broadcast journalists over alleged paid Discaya interviews
- Julius Babao, itinangging tumanggap ng PHP10M sa Discaya interview
- Korina Sanchez camp slams Mayor Vico Sotto's "slanderous" FB post
- Arnold Clavio, tinawag na "iresponsable" ang alegasyon ni Mayor Vico Sotto
ARNOLD CLAVIO STANDS BY HIS POST
Kasunod ng pagtatanggol ni Arnold kina Julius at Korina at pagpuna niya sa pahayag ni Mayor Vico ang kaliwa’t kanang batikos sa kanyang pagkatao at personal na buhay.
Sa kabila ng masasakit na salita at paghuhusgang natatanggap dahil sa kanyang Instagram post noong Biyernes, Agosto 22, 2025, hindi nagpatinag si Arnold.
Pinaninindigan daw nito ang mga salitang pinakawalan niya laban kay Sotto.
Ngayong Sabado, Agosto 23, muling naglabas si Arnold ng saloobin.
Ayon sa Kapuso broadcaster, hindi siya bulag, pipi, o bingi para hindi makita at marinig ang mga hinaing ng mga tao laban sa mga abusadong pinuno.
“Pipiliting sirain ng mga sakim sa pera’t kapangyarihan ang sinuman na pumupuna sa kanyang maling gawa,” tila reaksiyon ni Arnold sa mga batikos na natatanggap.
Dagdag pa niya, “Hindi ako pipi para itikom ko ang aking bibig at manahimik.”
Idiniin din ni Arnold sa kanyang post ang pagiging tapat sa kanyang propesyon bilang mamamahayag.
“Hindi ako bulag para hindi ko makita ang kabuktutan at kawalanghiyaan ng mga nasa poder.
“Hindi ako bingi para di ko marinig ang hinaing ng marami sa kanilang abusadong namumuno.
“Bilang mamamahayag, PANGAKO IINGATAN KO ANG TOTOO. Hindi man ito maging popular sa marami, maninindigan at maninindigan ako.
“MATITIGAN KO DIRETSO SA MATA ang bawat mamamayang Pilipino na ako ay naging tapat sa aking propesyon, mula noon hanggang ngayon.”
View this post on Instagram
Wala pang reaksiyon si Mayor Vico Sotto kaugnay ng mga pahayag laban sa kanya ni Arnold Clavio.
Read: Mayor Isko Moreno, uminit ang ulo sa isang Manila congressman