PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Interview ni Korina Sanchez kay Sarah Discaya, burado na sa YT

Netizens, nag-react sa rason ni Sarah Discaya sa pagbili ng Rolls Royce.
by Jojo Gabinete
Published Aug 23, 2025
korina sanchez julis babao sarah discaya interview
(Left) Korina Sanchez's interview with controversial contractor Sarah Discaya for Korina Interviews was uploaded on YouTube on January 5, 2024; (right) Julius Babao's interview with the Discayas was uploaded on Babao's YouTube channel in September 2024.
PHOTO/S: YouTube

Mula sa mahigit 300,000 views bago ang kontrobersiyal na Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Agosto 21, 2025, meron nang 847,000 views (as of August 23) at patuloy na tumataas ang bilang ng mga nanonood sa panayam ni Julius Babao sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.

Naganap ang panayam ni Julius sa mga Discaya noong Setyembre 2024.

Read: Julius Babao, itinangging tumanggap ng PHP10M sa Discaya interview

julius babao discaya interview
Photo/s: Screen grab from Julius Babao Unplugged YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Negatibo man ang mga reaksiyon at opinyon sa panayam na mapapanood sa Unplugged YouTube channel ni Julius, at kahit deactivated na ang comments section nito, hindi pa rin mapigilan ang pagpapakita ng interes ng ilan nating mga kababayan.

Maraming netizens ang nag-react sa pahayag ni Sarah na payong ang rason kaya binili niya ang luxury car na Rolls Royce, nagkakahalaga ng $407,750 (PHP23 million) hanggang $472,750 (PHP26.7 million).

Ang Rolls Royce na may Hermes orange interior ang isa sa 40 luxury cars na nakaparada sa parking lot ng pagmamay-ari nilang gusali.

Ipinagmalaki ni Sarah na nagustuhan nito ang mamahaling sasakyan dahil, "Natutuwa ako sa payong pero hindi ko ipinagagamit ang payong na ito kasi mahal yung payong. Yan yung feature ng Rolls na kaya ko binili kasi natuwa ako sa payong."

Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcast journalists over alleged paid Discaya interviews

sarah discaya luxury car
Sarah Discaya shows the umbrella that can be pulled out from her Rolls Royce luxury car.
Photo/s: Screen grab from Julius Babao Unplugged YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DEACTIVATED KORINA INTERVIEW

Kung mapapanood pa rin sa YouTube channel ni Julius ang panayam nito sa Discaya couple, hindi na mahanap o burado na ang video ng pakikipag-usap ni Korina Sanchez kay Sarah sa Korina Interviews.

In-upload ito noong Enero 5, 2025 sa YouTube channel ng Net25, at may headline na “A Victim of Bullying, Now a Politician.”

korina sanchez sarah discaya interview
Photo/s: Screen grab from Net25 YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling napanood ng Cabinet Files ang panayam ni Korina kay Sarah noong Biyernes ng umaga, Agosto 22. Pero kinagabihan ay naglaho na ang video.

Sa naturang interbyu, sinabi ni Korina na “binabaha ng suwerte” si Sarah.

Pero makalipas ang pitong buwan, nasa sentro ng kontrobersiya at hinuhusgahan ang contractor na nasasangkot ngayon sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

Ilang oras matapos ang pinag-uusapang Facebook post ni Mayor Vico Sotto tungkol sa mga panayam kay Discaya ng prominent broadcasters, naglabas ng sagot ang producers ng programa ni Korina.

Nakasaad sa isang bahagi ng kanilang pahayag: “In fairness to Ms. Sanchez, our host interviewer, she only found out she was interviewing a Pasig mayoralty candidate on the day itself and it was not Ms. Sanchez who was in contact with the couple for the interview.”

Hindi madaling tanggapin ang katuwiran ng mga producer ng TV show ni Korina dahil, base sa personal na karanasan ng Cabinet Files sa mga talk show, importanteng ipaalam at malaman ng host ng program ang pagkatao ng kanyang kakapanayamin para mapaghandaan niya ang kanilang paghaharap at pag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May karapatan din ang mga host ng programa na tumanggi kapag hindi sila kumportableng makipag-usap sa bisitang napili ng production staff.

Read: Korina Sanchez camp slams Mayor Vico Sotto's "slanderous" FB post

KORINA SANCHEZ ANSWERS NETIZENS

Mula nang umingay ang Facebook post ni Mayor Vico tungkol sa dati at magkahiwalay na panayam nina Julius at Korina sa mga Discaya, ginawang tambayan ng ilang netizens ang social media accounts ng dalawang broadcasters.

Pero base sa mga sagot ni Korina, hindi ito nagpapaapekto sa matabil na komento ng ilang netizens.

Sa OOTD post ni Korina noong Biyernes, sinagot ni Korina ang dalawang netizens na nagkomento sa kanyang post.

Tanong ng isang follower tungkol sa kanyang emerald green outfit: “How much is this worth?”

Sagot ni Korina: “Eh di P10M” [laughing and crying emoji]."

korina sanchez comment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin kinakitaan si Korina ng pagkapikon sa komento ng isang netizen, "Wow! pang 10M ang OOTD! Cheers!”

Buwelta ni Korina: “Excuse me. P20M ang halaga ng suot ko.”

korina sanchez comment

Ang "PHP10M" na tinukoy ni Korina at ng netizen ay ang paratang ni Mayor Vico Soto na halagang kapalit umano ng pagpayag ng "kilalang journalists" para pumayag interbyuhin si Sarah Discaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Sarah ang nakalaban ni Mayor Vico sa mayoralty race sa Pasig City noong May 2025 election.

Read: Arnold Clavio, tinawag na "iresponsable" ang alegasyon ni Mayor Vico Sotto

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Korina Sanchez's interview with controversial contractor Sarah Discaya for Korina Interviews was uploaded on YouTube on January 5, 2024; (right) Julius Babao's interview with the Discayas was uploaded on Babao's YouTube channel in September 2024.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results