Malaki ang tampo ng fashion stylist sa aktor na pinaglilingkuran niya dahil sa hindi wastong trato nito sa kanya.
Ang panatilihing maayos ang hitsura at pananamit ng aktor ang tanging obligasyon ng stylist, pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay napansin niyang ginagawa na siyang alalay ng aktor.
Madalas inuutusan ng aktor ang stylist na gawin ang mga bagay na hindi naman saklaw ng kanyang mga responsibilidad.
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcast journalists over alleged paid Discaya interviews
THE FINAL STRAW
Pinalampas at tiniis ng stylist ang pang-aabusong nararanasan, pero nasaktan siya at tuluyan nang naubos ang pasensiya niya nang i-blowout ng aktor ang mga artista at production staff ng isang proyekto.
Natauhan ang stylist dahil tanging siya ang hindi pinakain ng aktor. Kahit pabalat-bunga, hindi siya inalok na kumain.
Awa sa sarili ang naramdaman ng stylist na nag-iisip nang mag-alsa balutan dahil napatunayan niyang totoo ang mga balitang kanyang naririnig tungkol sa hindi makataong ugali ng aktor.
Ang production staff at mga artista na dating kasamahan ng aktor sa isang programa ang makapagpapatunay tungkol sa kanyang hindi kanais-nais na pagkatao.
Bukod sa hindi team player, sikat na sikat ang pakiramdam ng aktor sa sarili.
Hindi rin siya nawawalan ng mga reklamo kaya nagpasya ang management na alisin na lamang siya sa isang proyekto.
Napansin naman ng co-stars ng aktor na mabigat itong kasama at ramdam na ramdam nila ang malakas na negative vibe nito.
Kaya imbes na malungkot, natuwa sila nang hindi na pinasipot sa show ang reklamador at mapagsamantalang showbiz personality.
Read: Korina Sanchez camp slams Mayor Vico Sotto's "slanderous" FB post