Sa kasaysayan ng Miss Grand Philippines, ang pageant veteran na si Emma Mary Tiglao ang pinakamatanda sa mga nagwagi.
Napanalunan niya ang korona sa edad na 30 kaya naaangkop pa rin siya sa 18 to 35 age requirement ng Miss Grand International.
Si Emma ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International 2025 na magaganap sa Bangkok, Thailand, sa Oktubre 18, 2025.
Umaasa ang mga Pilipinong mahilig sa beauty pageants na magkakaroon ng back-to-back win si Emma at si reigning Miss Grand International Christine Juliane Opiaza.
Read: Emma Mary Tiglao crowned Miss Grand Philippines 2025

May mapait na kapalit ang tagumpay ni Emma dahil naungkat ang pagiging anchor nito sa isang news program ng Eagle Broadcasting Center at ang paraan ng pagbabalita niya tungkol sa mga “Pinklawan.”
Pinararatangan si Emma na kinikilingan ang mga DDS (Diehard Duterte Supporters) kaya matapos manalo na Miss Grand International 2025, nadagdagan ang mga batikos laban sa kanya at nagkaroon ng panawagang huwag suportahan ang pagsali niya sa 13th Miss Grand International.
MISS GRAND TARLAC'S "BUWIS-BUHAY" PERFORMANCE
Top 15 finisher sa Miss Grand Philippines 2025 si Mary Rose Grande ng Tarlac.
Buwis-buhay ang pagsipot ni Mary Rose sa gabi ng koronasyon sa Mall of Asia Arena noong Linggo, Agosto 24, dahil kalalabas lamang niya mula sa ospital bunsod ng kanyang karamdaman sa baga.
Ilang araw bago ang koronasyon ng Miss Grand Philippines 2025, ibinahagi ni Mary Rose sa pamamagitan ng Facebook Live na biglang nag-collapse ang kanyang baga kaya sumailalim siya sa biglaang operasyon.
Humiling si Mary Rose ng mga dasal.
At noong Linggo, nakasipot siya sa coronation night pero kitang-kita ang benda sa dibdib niya na resulta ng operasyon.

Marami ang nag-alala para sa kalusugan ni Mary Rose dahil mahahalata sa mga kilos nitong hindi pa mabuti ang pakiramdam niya.
Pero nagpakita pa rin siya sa coronation night, sa kabila ng kanyang problema sa kalusugan.
Read: Jeric Raval, inaming dalawa na ang apo kina AJ Raval at Aljur Abrenica
MISS ALABANG, MUNTINLUPA: THE CARTWHEEL QUEEN
Agaw-pansin naman si Chelsea Joy Arciaga ng Alabang, Muntinlupa, dahil sa pagka-cartwheel niya ng dalawang beses sa swimsuit competition.
Hindi gaanong napansin ang pagta-tumbling ni Chelsea dahil malayo ang shot, kung saan rumarampa ang Top 15 finalists habang kumakanta si Reina Hispanicoamericana 2025 Dia Mate.
Pero may ilang nasa audience ang nakunan ang pagka-cartwheel ni Chelsea at in-upload ang mga video nito sa social media.
MISS GRAND QUEZON CITY: THE TALUKBONG QUEEN
Nahirapan ang mga kandidata sa evening gown competition dahil kailangan nilang bumaba mula sa pitong baytang ng entablado.
Isang malaking hamon ito kay Miss Grand Quezon City Nikki Buenafe Cheveh na may talukbong na tela ang buong katawan para sa kanyang gown reveal.
Maririnig ang pagsigaw ng mga audience ng “Sige, kaya mo yan! Go!”
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews

Hindi nabalewala ang pagsisikap ni Nikki dahil siya ang nanalo ng beauty title na Face of Beauty Philippines.
Si Nikki ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Face of Beauty International na idaraos sa Disyembre 4, 2025, sa Shanghai, China.
Nawalan ng balanse ang pinaghihinalaang dahilan kaya napaupo sa baytang ng entablado si Miss Grand Philippines Filipino Community of Canada Jasmine Garner, na tinulungan ng kanyang mga kapwa kandidata para makatayo.

COMMENTS AND OBSERVATIONS
Sina Krishnah Gravidez, Maria Gigante, Jasmine Omay, at Drei Arias ang mga host ng coronation night ng Miss Grand Philippines 2025.

Eksaktong alas-dose ng gabi nang sabihin ni Krishnah na pataas nang pataas ang energy ng mga manonood sa Mall of Asia Arena.
Pero iba ang reklamo ng mga nanonood sa live streaming na bagot na bagot sa haba ng programa na natapos ng pasado ala-una ng madaling-araw nitong Lunes, Agosto 25.
Slightly annoying din ang pagtatanong niya sa manonood ng “MOA Arena, buhay pa ba kayo!!!?”
Malulupit ang online viewers ng Miss Grand Philippines 2025 dahil sa kanilang mga negatibong komento tungkol sa stage design, amateur presentation, at pagtatanghal ng baguhang singers na hindi raw kilala. Pero tinapos nila ang panonood.
Ang mang-aawit na si JM Macapugay ang isa sa mga kinawawa ng ibang online viewers dahil sa kanyang dalawang beses na pagkanta at paglulunsad sa bagong single niyang may pamagat na "Kabayo."

Pinuna rin ng ilan ang partisipasyon ng P-pop group na 1621, ang kumanta ng hit song na "Bababa."
Ang comedienne na si Kiray Celis ang nakinabang nang husto sa gabi ng koronasyon ng Miss Grand Philippines 2025 dahil sa “hard launch” niya bilang CEO ng kanyang skincare brand at health supplement company.
Maraming exposure si Kiray bilang first-time judge ng isang beauty pageant.
Tatlong beses siyang nagbigay sa mga karapat-dapat na kandidata ng espesyal na parangal mula sa kanyang kompanya.
Read: Interview ni Korina Sanchez kay Sarah Discaya, burado na sa YouTube
