Lumampas na sa one million mark ang views sa panayam ni Julius Babao sa mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya na nangyari noong Setyembre 2024.
Pero nagkaroon lamang ito ng traction matapos ang kontrobersiyal na Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Agosto 21, 2025.
Mula sa mahigit 300,000 views, halos 1.4 million views at patuloy na nadaragdagan ang views ng interbyu ni Julius sa Discaya couple na mapapanood sa Unplugged YouTube channel ng broadcaster.
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews

Napukaw ang interes ng publiko na panoorin ang panayam sa mga Discaya dahil sa lantarang pagpapakita ng mag-asawa ng karangyaan na kanilang tinatamasa — tulad ng mga luxury car na milyun-milyon ang halaga — buhat nang magkaroon sila ng mga proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hindi gaya ni Korina Sanchez, hindi binura ni Julius ang video ng panayam nito kina Sarah at Curlee.
Mukhang tama ang kanyang desisyon dahil nadagdagan ang ads ng video pero wala nang puwedeng mag-iwan ng maaanghang na komento.
Read: Interview ni Korina Sanchez kay Sarah Discaya, burado na sa YT
DISCAYAS PREFER FOREMEN OVER ENGINEERS
Hindi na basta simpleng lifestyle interview ang pakikipag-usap ni Julius sa mag-asawa dahil maituturing itong isang dokumentaryo, base sa mga pahayag at kayamanang ipinagmalaki nina Sarah at Curlee.
Pero may mga nasaktan sa ilang mga binitiwan nilag salita tulad ng mga inhinyero.
Sa isang bahagi ng panayam ni Julius kay Curlee, sinabi ng padre de pamilya ng mga Discaya na mas mahuhusay pa ang mga foreman kesa sa mga engineer.
Saad ni Curlee: “Nag-apply po ako sa biyenan ko ng trabaho. Sabi ko, 'Daddy, baka puwede mo naman akong bigyan ng trabaho diyan. Ako muna ang magbantay ng mga site mo.’
“So, binigyan naman ako ng pagkakataon at hindi pa ako masyadong magaling at marunong noon.
“So, ang ginawa ko, ang sipag ko talaga, mula umaga hanggang hapon, talagang binabantayan, binabalikan ko yon [construction site].
“Hindi ko napapansin, kahit hindi naman ako nag-aral ng engineering talaga dahil actual experience talaga ang natutunan ko, aba, natututo na ako sa mga foreman ko kung papaano ang diskarte. Kung papaanong paglatag ng bakal. Kung paano lahat.
“Minsan nga, sila, yung mga foreman, minsan magagaling pa sa mga engineer. Kasi ang mga engineer, magagaling talaga sa libro yan. Computation, lahat-lahat.
"Pero pagdating sa mga foreman, pati paglusot sa ilalim ng drainage magmula sa lahat ng klase ng bagay, kaya nilang diskartehan yan.
“Minsan hindi na nga nagbabasa ng plano kung papaano yung pagsuksok ng bakal. So, babasahin lang nila ng kapiraso yung plano, alam na nilang i-implement yung bagay na yun. So, dun ako natuto.”
Sinusugan ito ni Sarah at sinabing “bookish” ang mga engineer samantalang magaling daw sa actual execution ang mga foreman.
Read: Korina Sanchez camp slams Mayor Vico Sotto's "slanderous" FB post
DISCAYAS NO RESPONSE TO ANOMALOUS FLOOD CONTROL PROJECTS
Noong Agosto 19, ipinatawag sa Senado ang mga Discaya na sangkot sa kontrobersiyal na usapin ng flood control projects para maipaliwanag ang kanilang panig.
Hindi sila sumipot kaya nadismaya ang mga senador na nagpasyang padalhan sila ng subpoena.
Hanggang ngayon, nananatiling tahimik ang mga Discaya tungkol sa mabibigat na paratang laban sa kanila.
“Profile locked” na rin ang mga Facebook page ng mag-asawa at ng kanilang mga anak — isang paraan ng proteksiyon nila sa mga sarili para hindi sila kuyugin ng mga galit na Pilipino.
Read: Julius Babao, itinangging tumanggap ng P10M sa Discaya interview
DISCAYAS' LOVE FOR LACOSTE, GIANT BUDDHAS
Bukod sa masasakit na salitang natatanggap ng mga Discaya, pinuna at binigyan ng masamang kahulugan ng netizens ang paboritong brand ng T-shirt ng pamilya — ang Lacoste na may alligator logo.
Marami at milyun-milyon ang halaga ng mga koleksiyon ni Curlee ng mga Buddha, artworks na gawa sa jade — na nagkakahalaga ng PHP7 million kada isa at mula pa raw sa China — na nagbibigay umano sa kanila ng suwerte, pera, at kapayapaan ng isip.
Nang ipakita ni Curlee kay Julius ang giant Buddha na kasama sa kanyang mga mamahaling koleksiyon, sinabi niya: “Kapag nakakakita niyan, parang relaxed ang pakiramdam mo. Kaya mapapansin mo yung mga ganyang klase, makikita mo sa mga spa.
"Kasi ibig sabihin, meditation, nagpapahinga ka, nagre-relax ka.
"So, sa tuwing makakakita ka ng ganyan, parang nagkakaroon ka ng inner peace at saka relaxation.”

Ngayong Lunes, Agosto 25, ginugunita ang Araw ng mga Bayani.
Kahit holiday at walang pasok sa Pilipinas, lumabas ang ulat na iimbestigahan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga Discaya dahil nais malaman ng government agency kung may paglabag na nangyari sa importasyon ng mahigit sa 40 luxury cars na ibinida ng mag-asawa sa panayam sa kanila ni Julius.
Sa dami ng mga problemang kinakaharap ng kanilang pamilya dahil sa pagkakasangkot nila sa isyu ng flood control projects, ngayon masusubukan ni Curlee kung tunay na nakapagbibigay ng peace of mind at relaxation ang mga kolekisyon niya ng mga mamahaling Buddha.
Read: Lacson, Magalong bare kickback scheme in anomalous DPWH deals