PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julius Babao "on leave" sa primetime news program ng TV5

Julius Babao posts cryptic message on Instagram.
by Jojo Gabinete
Published Aug 26, 2025
julius babao frontline pilipinas
Veteran broadcaster Julius Babao wrote this caption on his Instagram post: “Maraming salamat sa pagmamahal at pag-unawa ng mga TUNAY na kaibigan! Ngayon alam ko na kung sino kayo. God Bless You All!”
PHOTO/S: News5 YouTube

Si Ed Lingao ang pansamantalang pumalit kay Julius Babao bilang co-anchor ni Cheryl Cosim sa primetime news program ng TV5 na Frontline Pilipinas noong Lunes, Agosto 25, 2025.

Ngayong Martes, Agosto 26, si Lourd de Veyra naman ang humalili kay Julius.

Read: Lacson, Magalong bare kickback scheme in anomalous DPWH deals

Ayon sa isang nakausap ng Cabinet Files, "on leave" si Julius habang iniimbestigahan at tinatalakay ng management ang isyung kinasasangkutan ng veteran broadcaster.

Nadamay si Julius sa kontrobersiyal na usapin tungkol sa contractors na sina Sarah at Curlee Discaya dahil sa kanyang panayam sa mag-asawa para sa Unplugged YouTube channel niya noong Setyembre 2024.

Naging mainit na isyu ang dating panayam ni Julius, at maging ni Korina Sanchez, dahil sa Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Agosto 21, 2025.

Kinuwestiyon ni Mayor Vico ang feature stories nina Julius at Korina sa mag-asawang nasasangkot sa maanomalyang flood control projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcast journalists over alleged paid Discaya interviews

Ang pagkakadawit ng pangalan ni Julius sa nabanggit na usapin ang sinasabing dahilan kaya nagpapahinga muna siya bilang anchor ng Frontline Pilipinas.

Karaniwan itong ginagawa ng News and Public Affairs Department ng lahat ng major television network para mapanatili nila ang kredibilidad kapag may mga tauhan silang nasasangkot sa mga kontrobersiya.

JULIUS BABAO'S CRYPTIC POST

Sa esklusibong panayam ng Cabinet Files kay Julius noong Agosto 21, tahasan niyang itinanggi ang mga haka-hakang tumanggap siya ng PHP10 million, kapalit ng panayam niya sa Discaya couple.

Bahagi ng pahayag ni Julius: “Walang katotohanang may 10 million na involved for this interview. Ang layunin ng vlog ay ma-inspire ang mga tao na posibleng maging matagumpay kung magsisipag lang at didiskarte sa buhay.”

Read: Julius Babao, itinangging tumanggap ng P10M sa Discaya interview

Sa kabila ng paliwanag ni Julius, naging malupit ang ibang netizens na ayaw paniwalaan ang kanyang paglilinaw at paliwanag dahil masasakit na salita at panghuhusga ang natatanggap niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matapos ang panayam sa kanya ng Cabinet Files noong Huwebes, hindi na nagsalita si Julius.

Pero makahulugan ang kanyang Instagram post noong Lunes, Agosto 25.

Ito ay quote mula kay Walter Winchell: “A real friend is one who walks in when the rest of the world works out.”

julius babao post
Photo/s: Julius Babao Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Winchell (Abril 7, 1897 – Pebrero 20, 1972) ay American journalist na sumikat sa kanyang panahon dahil sa matapang na paglalantad niya sa mga anomalya at krimen.

Caption ni Julius sa kanyang Instagram post: “Maraming salamat sa pagmamahal at pag-unawa ng mga TUNAY na kaibigan! Ngayon alam ko na kung sino kayo. God Bless You All!”

julius babao comment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Korina Sanchez camp slams Mayor Vico Sotto's "slanderous" FB post

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran broadcaster Julius Babao wrote this caption on his Instagram post: “Maraming salamat sa pagmamahal at pag-unawa ng mga TUNAY na kaibigan! Ngayon alam ko na kung sino kayo. God Bless You All!”
PHOTO/S: News5 YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results