Napalitan ng pagkadismaya ang paghanga sa 25-year-old singer at lifestyle vlogger na si Claudine Co nang malaman ng publiko na kamag-anak siya nina former Ako Bicol Partylist Representative Christopher Co at Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy "Zaldy" Co.
Si Claudine ay anak ni Christopher Co, ang co-founder ng Hi-Tone Construction and Development Corporation.
Tiyuhin naman niya si Congressman Zaldy Co, ang chief executive officer ng Sunwest Group of Companies at dating chairperson ng House Committee on Appropriations.
Read: All 38 featured vehicles of the Discaya family and their prices
Tulad ng Alpha & Omega Gen. Contractor and Development Corporation at St. Timothy Construction Corporation na pagmamay-ari ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, kabilang ang Hi-Tone Construction and Development Corporation at Sunwest Inc. sa Top 15 construction companies sa listahan na inilabas ni President Ferdinand Marcos Jr.
Ang mga kompanyang ito ay pinagkalooban umano ng multi-million contracts ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga proyekto sa pagpapagawa ng mga kalsada, tulay, flood control, at mga gusali mula 2023 hanggang 2025.
Gaya ng Discaya couple — na ilang araw nang binabatikos dahil ipinangalandakan ang mga nakagugulat na kayamanan sa magkahiwalay na panayam sa kanila nina Julius Babao at Korina Sanchez — sentro ngayon si Claudine ng atensiyon, mga pagpuna, at paghuhusga.
Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman
CLAUDINE CO TRENDING ONLINE
Trending si Claudine sa social media dahil sa kaugnayan niya sa mga may-ari ng construction at development company na isinasangkot sa kontrobersiyal na usapin sa flood control projects.

Ito ang pinag-ugatan ng pagkuwestiyon sa marangyang pamumuhay na ipinakita ni Claudine sa kanyang Claud’s YouTube channel at Instagram page.
Ang pagbibiyahe nila ng kanyang pamilya sakay ng private plane...
Pagbabakasyon sa iba’t ibang bansa na halos apatnapu ang bilang...

Pagsusuot ng designer clothes at paggamit ng branded bags na umaabot sa milyun-milyon ang halaga ang ilan lamang sa mga ibinida ni Claudine sa sarili niyang social media accounts.



Pero mula nang pumutok ang balita tungkol sa diumano’y mga anomalya sa flood control projects, pinupuna ng mamamayang Pilipino ang kanyang nakalulula at marangyang pamumuhay.
Inaakusahan ngayon si Claudine at ang kanyang pamilya na nanggaling umano sa taxpayers ang ginagastos sa luho nila, at ipinapanawagang isama siya sa imbestigasyon.
Dahil dito, deactivated at private na ang social media accounts ni Claudine.
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcast journalists over alleged paid Discaya interviews

NETIZENS' COMMENTS
Sa X (dating Twitter) ay inulan ng matitinding batikos si Claudine mula sa netizens.
Ito ang ilan sa mga medyo mabait pang komento sa X dahil higit na masasakit at matitindi ang karamihan sa mga batikos laban kay Claudine:
“I'm crying, kailangan mag-triple kayod para matustusan ang bakasyon at birkin bags ni Claudine Co. Pero its okay to not be okay kasi lilipas din ang problemang ito."
"Damn bro… I used to fangirl to Claudine Co back in lockdown/pandemic era… her family seemed wholesome tho, even her parents.. turned out sobrang lala pala nila. i thought normal na malaking construction business lang sila kaya sobrang yaman."
"Tawang-tawa ako sa ‘Working hard for Claudine Co and her fam to complete all European countries.'"
"Yung price ng bag ni Claudine Co, tuition fee ko na sa buong year."
"Sana maambunan man lang ng birkin ni Claudine Co, may ambag ako diyan!!”
“Sana maimbitahan si Claudine Co sa Senado. Doon niya ipagmalaki ang mga kayamanan niya.”
Tulad ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya — na ipinangalandakan ang mga mamahaling koleksiyon ng sasakyan at ang katuwirang ginamit sila ni Lord para magbigay ng inspirasyon sa mga nangangarap guminhawa ang buhay — si Claudine din ang may kagagawan at nagbigay ng rason kaya hinuhusgahan at nakatatanggap siya ngayon ng masasakit na salita mula sa mga Pilipino.
Pakiramdam ng iba nating mga kababayan, hindi lamang sila sinampal kundi binugbog ng kahirapan dahil sa shameless display of extravagant lifestyle ni Claudine at iba pang mga anak ng contractors at politiko na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Read: Lacson, Magalong bare kickback scheme in anomalous DPWH deals