PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BIR, iniimbestigahan na ang luxury cars ng mga Discaya

Nasaan na sina Sarah at Curlee Discaya?
by Jojo Gabinete
Published Aug 28, 2025
sarah curlee discaya luxury cars
The Bureau of Internal Revenue is now investigating the more than 40 luxury cars of contractors Curlee and Sarah Discaya that were featured in their interview with Julius Babao (right) in September 2024.
PHOTO/S: Julius Babao Unplugged YouTube / File

Iniimbestigahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagkakaroon ng mahigit 40 luxury cars ng mga negosyanteng sina Sarah at Curlee Discaya.

Ang mag-asawa ang may-ari ng dalawang construction companies na nakakuha ng bilyun-bilyong pisong halaga ng mga proyekto ng pamahalaan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Mismong si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang nagsiwalat tungkol sa imbestigasyong isinasagawa raw ng kanilang tanggapan.

Read: All 38 featured vehicles of the Discaya family and their prices

“Sumulat na po tayo sa LTO [Land Transportation Office] para malaman kung anu-ano ba yung mga sasakyan na nakarehistro under sa kanilang mga pangalan para makita natin in totality kung ilan po ito.

“Ongoing na po, malapit na tayong matapos sa kanilang pag-a-audit.

“Kino-compute natin yan at tinitingnan natin kung anong puwedeng maging kahinatnan nito, pero binibilisan po natin yan.

“In the next few days or weeks, malapit na po… may aksyon na po tayo na puwedeng gawin,” pahayag ni Lumauig sa pakikipag-usap sa kanya nina Ted Failon at DJ Chacha sa radio program ng dalawa sa True FM ngayong Huwebes, Agosto 28, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
discaya couple luxury cars
Curlee and Sarah Discaya show their luxury cars to broadcaster Julius Babao.
Photo/s: Julius Babao Unplugged YouTube / File

BIR COMMISSIONER ORDERS INVESTIGATION ON DISCAYAS' LUXURY CARS

Ang pagsusuri at imbestigasyong ginagawa ng BIR sa mga ari-arian ang katuparan ng Facebook post ni Lumagui noong Agosto 26—ang kanyang ipinag-utos na tax fraud audit sa mga kontratistang sangkot sa maanomalyang flood control projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Lumagui sa kanyang post: “Iniutos ko ang agarang tax fraud audit laban sa mga contractor na sangkot sa anomalous flood control projects.

“Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pangulo, magsasagawa ang BIR ng parallel audit sa kanilang tax returns at payments.

“Kapag napatunayang may underpayment o tax evasion, hindi sila bibigyan ng updated tax clearance, isususpinde ang final settlement ng kanilang kontrata, at madi-disqualify sila sa mga susunod na government projects.

“Para naman sa ghost projects, kapag nakumpirma ng kaukulang ahensya na hindi talaga naisagawa ang proyekto, idi-disallow namin ang lahat ng gastos at expenses. Walang proyekto, walang deductible expense, at may kasunod na tax deficiency assessment.

“Hindi katanggap-tanggap na aksayahin ang buwis ng taumbayan at lusutan ang mga ghost projects na walang kahit anong resulta.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman

WHERE ARE SARAH AND CURLEE DISCAYA?

Nananatiling tahimik ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa malaking kontrobersiyang kinasasangkutan nila.

Nagsimula ito dahil sa lantarang pagpapakita ng mag-asawa ng maluho at marangyang pamumuhay nila sa panayam sa kanila ni Julius Babao para sa Unplugged YouTube channel ng broadcaster noong Setyembre 2024.

Nang punahin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang magkahiwalay na panayam nina Julius at Korina Sanchez kina Sarah at Curlee halos isang taon na ang nakalilipas, saka pa lamang napagtuunan ng pansin ang maluhong lifestyle ng pamilya Discaya.

Si Sotto ang nagbulgar na kabilang ang mga construction company na pag-aari nina Sarah at Curlee sa listahan ng labinlimang contractors na may kaugnayan sa kinukuwestiyong flood control projects na isiniwalat ni President Ferdinand Marcos Jr.

Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews

Si Sarah ang nakalaban ni Sotto sa mayoralty race sa Pasig City sa halalan noong Mayo 12, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaghihinalaang gumastos ang mga Discaya ng napakalaking halaga para sa kampanya, pero malayung-malayo ang nakuha niyang boto sa nanalong si Sotto.

Sa isang bahagi ng panayam ni Julius sa mag-asawang Discaya, sinabi ni Sarah na walang kita sa pangongontrata nila sa mga pribadong indibidwal.

Kasunod nito ang pag-aming nagtagumpay ang kanilang mga construction company mula nang magkaroon sila ng mga proyekto sa DPWH.

Pahayag ni Sarah: “Walang kita sa ganoon, kasi halimbawa sa program of works, yung client namin, ang inilagay lang namin, plain na simpleng ilaw lang.

“Aba, ang gusto, ending, ang end product, chandelier na, e, wala naman sa program. Wala sa budget.

"Sabi namin, 'Ang hirap nito, dun na lang tayo sa city hall.'"

Ang rebelasyong ito ni Sarah ang isa sa mga naging mitsa para pagdudahan ang kanilang kakaibang yaman.

Ikinuwento naman ni Curlee na nagsimula ang kanilang construction company nang manghiram siya ng lisensiya mula sa biyenan niya nang magdesisyon sila ni Sarah na pasukin na rin ang pangongontrata sa mga proyekto ng pamahalaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lingid sa kaalaman ni Curlee, ang kuwento nito ang magdadawit sa kanyang biyenan sa isyu.

Pahayag ni BIR Commissioner Lumagui kay Ted Failon tungkol sa obligasyon sa pagbabayad ng buwis ng mga kontratistang nagpapahiram ng lisensya: “Dahil officially, sa kanila in-award yan, sila officially ang babayaran ng gobyerno, kinakailangan nilang i-report yung full revenues niyan at saka yung expenses.

"Kumbaga, sila ang talagang hahabulin for tax purposes, so mabigat-bigat ang magiging liability nila."

Read: Julius Babao, itinangging tumanggap ng P10M sa Discaya interview

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Bureau of Internal Revenue is now investigating the more than 40 luxury cars of contractors Curlee and Sarah Discaya that were featured in their interview with Julius Babao (right) in September 2024.
PHOTO/S: Julius Babao Unplugged YouTube / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results