Naniniwala si Leyte Fourth District Representative Richard Gomez na may gumagastos sa “media spin” laban sa kanya.
Nag-ugat ang suspetsa ni Richard sa mga mamamahayag ng iba’t ibang news organization nang ang mga ito ay nakipag-ugnayan daw sa kanya para hingin ang panig niya tungkol sa paratang ni Matag-ob Mayor Bernie Tacoy.
Ang Matag-ob ay isa sa mga bayan ng Leyte na sakop ng fourth district kung saan si Gomez ang kinatawan sa Kongreso.
Read: Vico Sotto explains need to call out journalists on Discaya issue
Sa pamamagitan ng isang video na kuha noong Agosto 26, 2025, inakusahan ni Tacoy si Richard ng kakulangan ng suporta sa pagbaha ng kanilang bayan.
Iniugnay rin niya si Richard sa flood control project sa Barangay Riverside na nasira sa malakas na buhos ng ulan noong Agosto 25.
Nagkaroon ng palitan ang dalawa ng maaanghang na salita, na siyang ang nag-udyok sa mga mamamahayag na kunin ang panig ni Richard.
Pero hinala ng actor-politician, may “media spin” na nangyayari at siya ay pinagkakaisahan ng media.
Nitong Huwebes ng gabi, Agosto 28, 2025, inilabas ni Richard ang screenshots ng mga mensaheng natanggap niya mula sa mga mamamahayag ng iba’t ibang news outlets.
Pinuna niya ang pagkakapareho umano ng mga mensahe at mga tanong na natanggap niya.
Isinama ni Richard sa ibinahagi niyang screenshots ang mga pangalan, pati na ang cellphone numbers, ng mga mamamahayag na nagpadala sa kanya ng mensahe.
Tinawag din niyang "ungas" ang mga nasa likod ng "media spin."
Kabuuan ng post ng Leyte representative: “Mahal din itong media spin na ginagawa nila against me.
"Look at the similarities of the different socmeds and agencies asking questions.
"Alam na alam mong merong nagkukumpas.
"Alam na alam mong ginastusan.
"Ayus ahhhh.
"Gastos pa more mga ungas."
Read: Cong. Richard Gomez, pinasaringan si Mayor Benjamin Magalong?
NUJP CALLS OUT RICHARD GOMEZ FOR blanket accusation AGAINST MEDIA
Hindi nagustuhan at pinalagan ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) ang akusasyon ni Richard na ang mga mamamahayag na humingi ng kanyang panig sa flood-control project issue sa Matag-ob ay bahagi ng isang "media spin."
Pinuna rin ng NUJP ang pagpu-post ni Richard ng screenshots ng mga pangalan at numero ng mga mamamahayag na kumontak sa kanya.
Isa raw itong posibleng paglabag sa data privacy, liban pa sa mapanganib para sa mga mamamahayag na maaaring sundan ng "harassment and fraud."
Ito ang kabuuan ng pahayag ng NUJP:
“Leyte 4th District Rep. Richard 'Goma' Gomez on Aug. 28, 2025 published a Facebook post accusing reporters seeking comment on a flood control structure in Matag-ob, Leyte that collapsed and that he has been linked to as being part of 'media spin.'
“Gomez claims similarities in the questions and interview requests show that someone is orchestrating the simple fact of media trying to get his side. He further alleges that media were being paid to get his comment as fairness actually requires.
“Apart from the allegations that colleagues were paid as part of supposed 'media spin,' Gomez posted screenshots with media workers' names and numbers, a potential violation of data privacy and an action that puts them at risk of harassment and fraud.
“We remind Gomez that media asking for his side on the matter actually favors him. The requests give him a chance to address allegations made by Matag-ob Mayor Bernie Tacoy, who has also criticized him for alleged lack of support during heavy flooding, and making them is part of journalists' jobs.
“If Gomez preferred to not speak about the issue, a simple 'no comment' or lack of response would have sent that message without imputing malice or exposing our colleagues' private information.
“Despite the media community's recent reflections on the practices of some of its members, claiming media bias and spin to avoid answering questions will only go so far.”
Read: NUJP urges journalists to uphold ethics amid Mayor Vico Sotto row