Ang hindi na pag-follow ni Coco Martin sa Instagram account ng kanyang manager na si Biboy Arboleda ang isa sa mga sinasabing patunay na nagwakas na ang kanilang relasyon bilang talent at manager.
Si Biboy ang presidente ng B-617 Management and Enterprise Inc.
Si Coco ang isa sa mga pinakasikat at pinakamatagal na alaga niya.
Ang iba pang talents ni Biboy ay sina Judy Ann Santos, Jodi Sta. Maria, Cherry Pie Picache, Roderick Paulate, Amy Perez, at Maricel Soriano.
Read: Leyte Rep. Richard Gomez, pumalag sa "media spin" umano laban sa kanya
MONEY ISSUE?
Lumulutang ang balita na, diumano, may kinalaman sa pananalapi ang ugat ng isyu sa pagitan nina Coco at Biboy.
Pero tanging sila ang makapagbibigay-linaw sa tunay na pinag-ugatan ng kanilang desisyong maghiwalay ng landas.
Malaki ang naitulong nina Biboy at Coco sa isa’t isa mula nang mag-umpisa ang talent-management relationship nila na bumilang na ng maraming taon kaya ikinalulungkot ng mga tao sa kanilang paligid ang nangyari.
Pero kahit hindi na follower si Coco ng Instagram account ni Biboy, patuloy na sumusubaybay sa social media account ng estranged manager niya ang partner ng aktor na si Julia Montes.
Si Julia umano ang nakakaalam sa totoong dahilan ng hindi inaasahang paghihiwalay FPJ's Batang Quiapo star at ng dating namamahala ng showbiz career nito.
Read: Gela Alonte responds to backlash over political dynasty remark