PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy tourist, nawalan ng malay habang sakay ng Frozen Ever After

Frozen Ever After sa Hong Kong Disneyland, bakit sinarado muna?
by Jojo Gabinete
Published Aug 31, 2025
Frozen Ever After ride sa Hong Disneyland pansamantalang isinara.
Pinoy tourist na nawalan ng malay sa Frozen Ever After sa Hong Kong Disneyland, pumanaw noong August 29, 2025.
PHOTO/S: Hong Kong Disneyland

Sarado mula Agosto 31, 2025 hanggang Setyembre 19, 2025 ang Frozen Ever After, isa sa mga ride attraction sa Hong Kong Disneyland Resort.

"Due to operational adjustments" ang sinabing dahilan ng Hong Kong Disneyland Resort management tungkol sa pansamantalang pagsasara sa Frozen Ever After.

Pero pinaniniwalaang may kinalaman rito ang pagkamatay ng isang turistang Pilipino noong Biyernes, Agosto 29.

Hindi pinangalanan ang turista na 53 ang edad na nawalan ng malay habang nakasakay sa Frozen Ever After slow-moving ride.

Agad na inalerto ng misis ng nasawi ang mga tauhan ng Disneyland tungkol sa nangyari sa kanyang asawa na may hypertension at sampung taon nang may karamdaman sa puso.

Nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang mga first responder bago nila dinala sa North Lantau Hospital ang pasyenteng tuluyan nang binawian ng buhay.

Sa pahayag na ibinigay ng Hong Kong Disneyland management, tiniyak nila na walang kinalaman sa kaligtasan ng pagsakay sa Frozen Ever After ang pagkamatay ng lalake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The resort deeply regrets the passing of the guest and will do its utmost to provide necessary assistance to his family.

"Our initial investigation has shown the incident is not related to ride safety," ang paglilinaw ng tagapagsalita ng Hong Kong Disneyland.

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang malungkot na pangyayari, at nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa mga kinauukulan para maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng sumakabilang-buhay na Pinoy na turista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy tourist na nawalan ng malay sa Frozen Ever After sa Hong Kong Disneyland, pumanaw noong August 29, 2025.
PHOTO/S: Hong Kong Disneyland
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results