Nakatutok ngayon ang atensyon ng lahat sa isyu ng mga katiwalian sa flood control project.
Dawit ang marangyang pamumuhay ng mga miyembro ng pamilya ng mga kongresista at kontratista.
Kaya natabunan ang mga kontrobersya tungkol sa mga sabungero na nawawala at sa paggamit ng marijuana sa Senado.
May mga nangangamba na baka tuluyang makalimutan at mawala sa kamalayan ng publiko ang trahedya ng mga naglahong sabungero.
Matinding eskandalo kasi ang bilyun-bilyong salapi mula sa kaban ng bayan na walang patumanggang nilulustay at pinagpapasasaan ng mga sakim na kontratista at ng kanilang mga kaanak.
Pero walang dapat ikabahala ang mga naaalarma.
Read: Emil Sumangil prays for protection amid risks in his job
DOJ ISSUES LOOKOUT BULLETIN ORDER
Noong Biyernes, Agosto 29, 2025, naglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order ang Department of Justice (DOJ) para sa mga nasasangkot sa pagkawala ng mga sabungero.
Ito ay mga personalidad na pinangalanan ng whistleblower na si Julie Patidongan.
Kabilang sa nasa lookout bulletin ang negosyante na si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto.
Nang humarap si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa mga miyembro ng media, ibinalita niya ang development sa isyu.
"Meron na naman tayong lookout bulletin sa lahat, mga binanggit ni Patidongan. May isang umalis ng bansa pero ewan ko lang kung nakabalik na.
"Umalis pero hindi pa namin alam kung bumalik na, kapatid siya ni Atong Ang,” ang pahayag ni Remulla.
Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case
UPDATE ON SEARCH OPS FOR MISSING SABUNGEROS
Nagbigay naman ng update ang tagapagsalita ng DOJ tungkol sa search and retrieval operations sa Taal Lake dahil ito ang itinuro ni Patidongan na pinagtapunan sa mga bangkay ng mga sabungero na nawawala.
"Out of 401 skeletal remains recovered from 17 locations sa Taal Lake since July 10, the PNP Forensics noted 355 human bones and 46 non-human fragments," ang ibinahagi na update ng tagapagsalita ng DOJ.
Binanggit ni Remulla ang miserable na kalagayan ng Taal Lake na isinalarawan niya bilang dying lake, base sa ulat sa kanya ng Philippine Coast Guard.
"The condition of the lake, it’s an environmental mess. Yung divers, nagkakaroon ng skin disease. They’re getting skin infections because the lake is full of fecal matter and other very unhealthy contents.
"If you look at the videos they showed to us, by the coast guard, malabo talaga yung lake kasi ang dumi talaga," ang impormasyon mula kay Remulla.
Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
Read: Gretchen Barretto denies involvement in missing sabungeros case