PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Discaya, ginisa ng mga senador sa Senate hearing

Sarah Discaya, sinabing "spliced" ang kanyang pahayag tungkol sa DPWH.
by Jojo Gabinete
Published Sep 1, 2025
sarah discaya senate hearing
Contractor Sarah Discaya attends the Senate's Public Hearing of the Committee on Accountability of Public Officers & Investigations (Blue Ribbon) today, September 1, 2025.
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook / X (Twitter)

Kasalukuyang ginigisa ng mga senador ang contractor na si Sarah Discaya sa isinasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Commitee kaugnay ng ghost flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Isa si Sarah sa mga inimbitahang contractors sa Senado ngayong Lunes, Setyembre 1, 2025, para magbigay-linaw tungkol sa mga anomalya sa flood control projects.

Kabilang ang dalawang construction company na pag-aari ni Sarah sa listahan ng mga pinangalanan ni President Ferdinand Marcos Jr. na may kaugnayan sa kontrobersiyal na usapin.

Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews

BILLIONS FROM DPWH PROJECTS

“Spliced” o edited ang video ng panayam sa kanya ang katuwiran ni Sarah tungkol sa alegasyong kumita siya ng bilyun-bilyon mula sa flood control projects ng DPWH.

Si Senator Tito Sotto ang unang nagtanong, at ginamit niyang basehan ang panayam ni Julius Babao kay Sarah at sa asawa nitong si Curlee.

Naganap ang feature interview ni Julius sa Discaya couple noong Setyembre 2024 at napapanood sa Unplugged YouTube channel ng broadcaster hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julius Babao, itinangging tumanggap ng P10M sa Discaya interview

Pag-uusisa ni Sotto: “Tinanong kayo kung anong naging gateway para gumanda ang buhay ninyo? Sabi po ninyo ay 'nung DPWH na kami.'

"Nung tinanong kung magkano, ang sabi ninyo, bilyon. Kailan po yung unang bilyon na kumita kayo sa DPWH?

Sagot ni Sarah: “For the knowledge of everyone, St. Gerrard and Alpha and Omega, we have been in the construction business for 23 years.

"So I would presume in the twenty-three years, puwede naman po kami sigurong kumita.

“Yung bilyon, when I said 'DPWH,' because prior to that, we were in local government [projects], so ang hirap makasingil sa local government.

“They spliced the video that was taken of me and just mentioned the DPWH.”

Sa isang bahagi ng pagdinig ay tinanong ni Senator Jinggoy Estrada si Sarah kung merong ghost projects sa mga nakuha niyang flood control projects sa DPWH.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Sarah, "Wala po."

Estrada: "Sigurado ka?"

Sarah: "Opo, definitely."

Estrada: "Pagka may madiskubre kami na may ghost project, pakukulong kita rito. Aminin mo totoo."

Sarah: "Wala po talaga."

DISCAYAS' LUXURY CARS

Hindi naman itinanggi ni Sarah na binili niya ang luxury car na Rolls-Royce Cullinan dahil nagandahan siya sa payong.

Pag-uusisa sa kanya ni Senator Jinggoy Estrada: “Ang balita ko dun sa interbyu mo, binili mo yung isang Rolls-Royce dahil nagandahan ka sa payong.”

“Sir, yes po,” napangiting pag-amin ni Sarah.

Sa bilang ni Sarah, 28 daw ang bilang ng luxury cars na pag-aari ng kanyang pamilya.

Binili niya raw ito dahil, “I have four kids that use it all the time for them to get to school.”

Itinanggi naman ni Sarah ang tanong ni Estrada kung binili niya ang luxury cars mula sa "taxpayers' money."

“No po,” sabi niya.

Bakas sa mukha ni Sarah ang pagkabahala sa sunud-sunod na tanong sa kanya ng mga senador, lalo nang sabihin ni Estrada, “Huwag na tayong maglokohan!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman

DISCAYA FAMILY SPOTTED IN MANAOAG

Isang araw bago dumalo si Sarah sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry, namataan siya at ang kanyang pamilya na nagsimba sa simbahan ng Manaoag, Pangasinan, noong Linggo, Agosto 31, 2025.

Kahit nakasuot ng face masks, nakilala pa rin ng mga tao ang mga Discaya dahil ilang araw na silang laman ng mga balita at madalas nakikita sa social media ang kanilang mga larawan at video.

Agaw-pansin din ang mga Louis Vuitton bag na gamit nila, partikular ang Monogram Eclipse Trunk ni Curlee.

Ayon sa estimates, ang bag na dala ni Curlee ay hindi bababa sa PHP315,000 ang halaga.

Pinaniniwalaang nagsimba sa Manaoag si Sarah at ang pamilya nito bilang paghahanda sa pagharap niya ngayon sa Senado.

Binanggit ng pari sa sermon nito ang isyu tungkol sa korapsyon, maanomalyang flood control projects, at ang mga construction company na sangkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diumano, imposibleng hindi ito narinig ng pamilya Discaya.

Read: BIR, iniimbestigahan na ang luxury cars ng mga Discaya

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Contractor Sarah Discaya attends the Senate's Public Hearing of the Committee on Accountability of Public Officers & Investigations (Blue Ribbon) today, September 1, 2025.
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook / X (Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results