Ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang official Facebook page ang kabuuan ng video ng Senate Blue Ribbon Committee inquiry tungkol sa mga anomalya sa flood control project ngayong Lunes, Setyembre 1, 2025.
Kabilang sa mga inimbitahan at tinanong tungkol sa mainit na usapin ang contractor na si Cezarah "Sarah" Discaya, na nakalaban ni Sotto sa mayoral election sa Pasig City noong Mayo 12, 2025.
Read: Sarah Discaya, ginisa ng mga senador sa Senate hearing
Lumitaw ang pagiging witty ni Sotto dahil sa caption ng kanyang video post na dapat na ipatawag din sa Senado ang “Mistermind” — mula sa salitang mastermind.
Hindi man nagbanggit ng pangalan si Sotto, hindi maipagkakailang ang asawa ni Sarah na si Pacifico "Curlee" Discaya ll ang “Mistermind” na tinutukoy niya.
Buong post ng Pasig City mayor: “Live now. (Rewind lang ng konti.)
"Mamaya lista natin lahat ng mga... sabihin na lang nating 'inaccuracy' sa mga sinabi nila… Based on documents, records, and their own words.
“Tandaan sana nila na under oath ito sa Senado.
"Sana sa susunod ipatawag din hindi lang si Mrs kundi pati ang Mistermind.
"May truth and justice prevail.”
Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman
SPLICED VIDEO INTERVIEW?
Samantala, lumampas na sa two-million mark ang bilang ng views sa panayam ni Julius Babao sa mag-asawang Sarah at Curlee.
Sa kasalukuyan, meron nang 2.3 million views ang one year-old interview na mapapanood sa Unplugged YouTube channel ni Julius.
Nadaragdagan ang bilang ng manonood ng pinag-uusapang panayam ni Julius kay Sarah dahil sa sinabi nito sa Senate inquiry na "spliced" ang interview sa kanya.
Muling pinapanood ang video ng pakikipag-usap ni Julius sa mag-asawa dahil marami ang nagnanais makatiyak na totoo ang rebelasyon ni Sarah na "spliced" ang interview.
Ito ay kaugnay ng tanong ni Senator Tito Sotto, tiyuhin ni Mayor Vico, kay Sarah tungkol sa unang pagkakataong kumita sila ni Curlee ng bilyon mula sa mga proyekto nila sa DPWH.
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews