PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luxury cars ng mga Discaya, dalawa na lang ang natira?

Interview ni Julius Babao sa mga Discaya, ginagawang ebidensiya.
by Jojo Gabinete
Published Sep 2, 2025
sarah discaya curlee discaya luxury cars
The past interview of Julius Babao with contractor couple Curlee and Sarah Discaya is now being used as evidence in the ongoing investigation of their luxury cars.
PHOTO/S: Julius Babao Unplugged YouTube / File

Napalitan ng pasasalamat ang mga dating batikos kay Julius Babao dahil sa dating panayam nito sa mag-asawang Sarah at Pacifico “Curlee” Discaya ll.

Sa panayam ni Julius sa mag-asawa, ipinangalandakan nila ang marangyang pamumuhay at ang mga koleksiyon nila ng mamahaling sasakyan.

Read: Julius Babao, itinangging tumanggap ng P10M sa Discaya interview

Ang naturang panayam na mapapanood sa Unplugged YouTube channel ng broadcaster ang ginagamit ngayong ebidensiya sa kinukuwestiyong kayamanan ng mag-asawang kontratista ng mga proyekto ng gobyerno na bilyun-bilyong piso ang halaga.

Sa video ng lifestyle feature at interview sa Discaya couple, ibinida nina Sarah at Curlee ang mga sasakyan nila na milyun-milyong piso ang halaga at umabot sa 40 ang dami.

Sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry noong Lunes, Setyembre 1, 2025, “28” ang sagot ni Sarah nang magtanong si Senator Jinggoy Estrada tungkol sa bilang ng luxury vehicles na pag-aari ng kanyang pamilya.

Read: All 38 featured vehicles of the Discaya family and their prices

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEARCH WARRANT

Noong Lunes ng gabi, Setyembre 1, nagpunta ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa gusali na pag-aari ng mga Discaya at kinaroroonan ng kanilang mga luxury car para maghain ng search warrant, pero hindi sila pinayagang pumasok.

Sa panayam ni Ted Failon sa radio program nito sa True FM ngayong Martes ng umaga, Setyembre 2, kinumpirma ni Atty. Jeck Casipit ng BOC na muling bumalik ang kanyang team sa gusali ng mga Discaya para ihain ang search warrant.

Pinapasok na sila ng mga tauhan nina Sarah at Curlee para makapag-inspeksyon, at matingnan kung may paglabag sa batas at kung nagbayad ng tamang buwis ang mag-asawa sa pagbili ng luxury cars.

Sa search warrant na dala ng mga tauhan ng BOC, labindalawa lamang sa 28 na luxury cars na sinabi ni Sarah ang saklaw at nasa record nila.

Pero dalawa lamang ang kanilang nakita, ang Land Cruiser at Maserati Levante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman

Ayon kay Casipit, hindi nila mahanap ang mga sasakyan na nasa listahan ng BOC tulad ng Cadillac Escalade, Toyota Tundra, Toyota Sequoia, Rolls-Royce Cullinan, Mercedez Benz AMG G63,M ercedes Benz G500, Lincoln Navigator 2021, Lincoln Navigator 2024, at Bentley Bentayga na ipinagmalaki nina Sarah at Curlee sa panayam sa kanila ni Julius kaya mahihirapan sila na itanggi ang mga sasakyan na biglang naglaho.

“Seselyuhan na namin at mag-iiwan na kami ng poposteng tao then ibe-verify na ho namin ang dokumento.

"Aantayin ho natin kung may maisusumite silang proof of payment. Bibigyan natin sila ng labinlimang araw,” pahayag ni Casipit tungkol sa aksyong gagawin nila sa dalawang luxury cars ng mga Discaya na natagpuan nila.

Tiniyak ni Casipit na hahanapin pa rin nila ang kinaroroonan ng nawawalang sampung luxury cars ng mga Discaya kaya muli silang magsasagawa ng surveillance.

Pahayag niya: “Magse-surveillance uli at susubukan na mag-apply ng search warrant sa ibang property nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Gusto lang ho nating i-check kung sumunod sila sa batas, kung mamagandahing-loob nila, e, i-surrender nila yung mga sasakyan para ho makita natin, ma-check natin, ma-verify natin.

"Hindi ho naman natin kukunin ang sasakyan kung wala naman tayong nakitang mali sa papeles. Kung makiki-cooperate po sila, mas mapapadali po ang lahat."

Read: Sarah Discaya, ginisa ng mga senador sa Senate hearing

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The past interview of Julius Babao with contractor couple Curlee and Sarah Discaya is now being used as evidence in the ongoing investigation of their luxury cars.
PHOTO/S: Julius Babao Unplugged YouTube / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results