PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashtine Olviga, nadiskubre ang funny side ni Andres Muhlach

Ashtine Olviga, muntik nang hindi ituloy ang pag-aartista.
by Jojo Gabinete
Published Sep 3, 2025
ashtine olviga andres muhlach minamahal
Ashtine Olviga admits initially giving in to pressure of starring in a movie with Andres Muhlach: "Nung na-realize ko na napapasukan na ako ng pressure, kasi hindi ako nakaka-work nang maayos kapag under pressure ako. Hindi ko nagagawa nang maayos yung trabaho. So, itinigil ko po agad siya. Mas nag-focus ako sa mga dapat po naming gawin.”
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / IdolPick

Unang proyekto ni Ashtine Olviga bilang bida ang Minamahal: 100 Bulaklak Para kay Luna.

Aminado ang Viva young actress na nakakaramdam siya ng pressure dahil nakasalalay sa loveteam nila ni Andres Muhlach ang magiging kapalaran sa box office ng kanilang pelikula na itatanghal sa mga sinehan simula sa Setyembre 24, 2025.

Nang ilabas ang teaser trailer ng Minamahal noong Agosto 15, 2025, umani agad ito ng 12 million views na higit nagpatindi sa pressure na nararamdaman ni Ashtine.

Read: Actress Chloe Grace Moretz marries model Kate Harrison in secret ceremony

minamahal poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako po nung una, nung nagkaroon kami ng 12 million views sa first teaser, parang dun po pumasok yung pressure sa akin.

"Parang na-realize ko na, 'Hala, ang taas ng expectation ng mga tao,'" pagtatapat ni Ashtine sa press conference para sa pelikula nila ni Andres.

Dagdag niya: “Pero nung na-realize ko na napapasukan na ako ng pressure, kasi hindi ako nakaka-work nang maayos kapag under pressure ako. Hindi ko nagagawa nang maayos yung trabaho.

"So, itinigil ko po agad siya. Mas nag-focus ako sa mga dapat po naming gawin.”

Read: Stray Kids scores historic seventh No. 1 on Billboard 200 with KARMA

ASHTINE ON ANDRES' KNACK FOR COMEDY

Ang phenomenal hit series na Ang Mutya ng Section E ang unang proyekto nina Ashtine at Andres.

Ang Minamahal ang pangalawang pagsasama nila, at dito raw natuklasan ni Ashtine ang husay ni Andres sa pagpapatawa.

“Sobrang nakakatawa po pala siya kasi before nagjo-joke siya, parang kailangan ko pang kilitiin ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ngayon, super funny niya po. Lumabas talaga yung goofy side niya and sobrang effortless niyang magpatawa,” sabi ni Ashtine.

Ginaya ni Ashine ang sagot ni Andres nang tanungin ito tungkol sa posibilidad na ma-in love siya sa kanyang leading lady.

“Like you said, kung possible, anything is possible,” reaksiyon ni Andres.

Sabi naman ni Ashtine, “Same answer po. Hindi po natin masasabi pero tingnan natin.”

Ang Minamahal ang katuparan ng pangarap ni Ashtine na magbida sa pelikula matapos ang matagal na paghihintay.

Pero isiniwalat ng young actress na minsan nang pumasok sa isip niyang huwag nang ituloy ang pag-aartista.

“Siguro parang dumating ako sa point na in-accept ko na parang hindi ito yung para sa akin at willing akong i-give up siya. Willing akong mag-take ng ibang career.

“Yun po yung seven months akong walang work tapos dumating po yung Mutya ng Section E,” rebelasyon ni Ashtine.

Read: Kenneth Marcelino, an LGBT member, is a male pageant titleholder

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashtine Olviga admits initially giving in to pressure of starring in a movie with Andres Muhlach: "Nung na-realize ko na napapasukan na ako ng pressure, kasi hindi ako nakaka-work nang maayos kapag under pressure ako. Hindi ko nagagawa nang maayos yung trabaho. So, itinigil ko po agad siya. Mas nag-focus ako sa mga dapat po naming gawin.”
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / IdolPick
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results