Pinangangambahang nagsisimula nang mangyari sa Pilipinas ang karahasang nagaganap ngayon sa Indonesia.
Ito ay dahil sa pagsugod ng mga demonstrador at militanteng grupo sa compound na pag-aari ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa Pasig City, at sa head office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Maynila.
Sinugod ng mga nagpoprotesta ang compound ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Dev’t Corporation ngayong Huwebes, Setyembre 4, 2025.
Sinabuyan nila ng putik, sinulatan ng mga salitang "MAGNANAKAW" ang bakod, at hawak ang mga placard, sama-sama silang sumigaw na “Magnanakaw!”
Pilit na hinahanap ng mga nagpoprotesta ang mga Discaya, isang paraan ng paglalabas nila ng nag-aapoy na galit na nararamdaman dahil sa diumano’y pagkakasangkot ng mag-asawa sa mga anomalya sa proyekto ng DPWH at paglustay sa buwis na ibinabayad ng sambayanang Pilipino.
Read: Janella Salvador hints at real score with Klea Pineda

THE DISCAYAS ARE ALLEGEDLY AFRAID
Matinding takot ang naramdaman ng mga tao sa loob ng compound ng St. Gerrard Construction building.
Sa pamamagitan ng Discaya couple legal counsel na si Atty. Cornelio Samaniego III, humingi sila ng tulong kay acting PNP Chief Jose Nartatez Jr.
Pahayag ni Samaniego: “Takot na ang spouses Discaya, ang anak, sobrang trauma, yung mga kamag-anak nila, sobrang takot na po sila sa mga nangyayari ngayon.
“Tingnan ninyo naman po rito, nasaan po ang kapulisan?
"Kaya nga ho kanina, sa isang interbyu ko sa isang istasyon, nanawagan po ako kay General Nartatez.
“General Sir Nartatez, uulitin ko po, obligasyon po ninyo, mandato po ninyo na protektahan ang sinumang mamamayan na sa tingin namin ay agrabyado.
“Hindi lamang po ito usapin ng mga Discaya, usapin po ito ng community po dito na madadamay yung ibang inosenteng mga tao dahil po sa padalus-dalos na gawain ng ating mga kasama sa progresibong grupo.”
May partisipasyon din si Samaniego kaya lalong nagalit ang mga tao dahil sa kanyang inilahad noong Miyerkules, Setyembre 3, nang magkita sila ng mga kliyente niya.
“Masaya sila kahapon, ang sweet-sweet nga nila kahapon, e,” sabi ni Samaniego tungkol sa mood ng mag-asawa nang magharap.
Read: Mayor Vico Sotto, nag-react sa palusot sa pagkawala ng luxury cars ng mga Discaya
Hindi ito matanggap ng ilan sa ating mga kababayan dahil parang hindi umano apektado sina Sarah at Curlee sa malaking isyung kinasasangkutan.
Hindi naman nabalewala ang panawagan ni Samaniego dahil agad na nagpadala ng mga pulis ang Philippine National Police sa gusali ng mga Discaya.
MAYOR VICO SOTTO: let's not resort to violence
Kaugnay nito, nanawagan si Pasig City Mayor Vico Sotto na huwag pairalin ang pagiging bayolente o anumang aksyon na maaaring magdulot ng karahasan o pinsala.
Saad niya: "I understand that we are angry and frustrated, but let's not resort to violence or acts that could potentially lead to violence or injuries.
"Hindi naman yung mga corrupt ang masasaktan pag bumigay ang gate, hindi rin sila ang matatamaan ng bato. Nag-aalala ako para sa mga security guard, trabahador, at ralyista mismo."
Read: Mayor Vico Sotto nag-react sa pagharap ni Sarah Discaya sa Senado
DPWH BUILDING ALSO UNDER ATTACK
Tulad ng pagsugod ng mga nagpoprotesta sa gusali ng mga Discaya, pinuntahan ng mga miyembro ng militant groups na Anakbayan at Kabataan ang head office ng DPWH sa Maynila.
Inihayag nila ang hinaing laban sa talamak na korapsyon na nangyayari at kinasasangkutan ng mga tauhan ng nabanggit na ahensya ng gobyerno.
Ipinagsigawan nilang dapat managot ang mga maysala.
Maikukumpara ito sa pinag-umpisahan ng karahasan na nangyayari sa Indonesia na nagsimula noong Agosto 25.
Mahigpit na tinutulan ng mamamayan ang pagdadagdag ng mga benepisyo at monthly allowance ng mga government official.
Tuluyan nang sumiklab ang malawakan na karahasan nang mamatay ang isang food delivery rider sa Jakarta na nasagasaan ng sasakyan ng pulis.
Hindi na nakontrol ng mga pulis ng Indonesia ang galit ng mga tao.
Pinuntahan at nilooban ng mga nagpoprotesta ang tahanan ng Minister of Finance at sinunog ang isang gusali ng pamahalaan na ikinamatay ng tatlong tao.
Ito ang mga eksenang kinatatakutang baka mangyari sa Pilipinas kapag hindi nanagot sa batas ang mga sangkot sa mga anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan.
Read: Mga Pinoy, nakaka-relate sa mass protests sa Indonesia laban sa gobyerno