Ang 30-year-old Filipino engineer na si Mhar Jayson Cortez ang appointed candidate ng Singapore sa Mister International 2025.
Gaganapin ang grand coronation ng Mister International 2025 sa Bangkok, Thailand, sa Setyembre 25.
Pero noong Setyembre 2, inanunsiyo ni Cortez, sa pamamagitan ng isang Instagram post, ang desisyong talikuran ang titulong Miss International Singapore.
Read: Janella Salvador hints at real score with Klea Pineda
Pahayag niya: “With a heavy heart, I am announcing my withdrawal as Mr. International Singapore.
"This dream has guided me, challenged me, and shaped who I am, but I have realized that to grow and protect my well-being, I must take a step back.
"Every lesson, every moment, and every inspiration from this journey will stay with me forever. It’s time to dream a new dream.”
View this post on Instagram
NOT ALLOWED TO WITHDRAW?
Hindi nagustuhan ng pageant organizer at talent agency na Beam Artistes ang naging pasya ni Jayson.
Wala umanong permiso nila ang Instagram post kaya magsasampa sila ng reklamo laban sa Filipino engineer.
“In any procedures of pageantry, no candidate can announce his or her withdrawal without the national organization confirming it,” pahayag ng tagapagsalita ng Beam Artistes sa panayam ng The Straits Times, ang popular daily newspaper sa Singapore.
Idinagdag ng kinatawan ng Beam Artistes na dapat bayaran ni Cortez ang franchise fee ng Mister International Singapore, mga gastos sa pamasahe at ibang mga paghahanda nila.
Diumano, naghatid ng perhuwisyo at panganib sa ibang candidates na nagbabalak sumali sa international pageants ang ginawa ni Cortez.
Read: Did Korina Sanchez take a swipe at Mayor Vico Sotto?
JAYSON CORTEZ'S SIDE OF THE STORY
Pero sa eksklusibong pakikipag-usap ng 8days.sg kay Cortez, sinabi niyang ang Beam Artistes ang nagpasyag huwag na siyang pasalihin sa Mister International 2025 dahil daw sa sigalot sa pagitan ng Thailand at Cambodia.
Ayon kay Cortez, nasa pag-iingat niya ang screenshots ng palitan nila ng mensahe ng Beam Artistes, patunay na hindi siya ang nagdesisyong mag-withdraw bilang kinatawan ng Singapore sa international pageant for men na magaganap sa Bangkok mula Setyembre 12 hanggang Setyembre 25, 2025.
Read: Andi Eigenmann hits back at bashers calling her kids “madungis”