Ang kanyang inang si Marjorie Barretto at bunsong kapatid na si Erich ang mga espesyal na panauhin ni Julia Barretto nang ilunsad ang unang business venture nila ng Viva Beauty, ang Bee Bee lip conditioners, noong Setyembre 5, 2025.
Personal na hiniling ni Julia kay Erich na dumalo ito sa Bee Bee launch dahil ang kanyang mga kapatid daw ang inspirasyon ng aktres sa unang business venture niya.
Read: Ryan Bang's fiancée Paola Huyong takes down engagement photos; sparks breakup rumor
“Special shoutout to my sister Erich, very busy always, but I made a special request: that you come here today because you and our other siblings, our sisters, really inspired me with this collection because you know how much we love lip balms,” sabi ni Julia.
Labinlimang taon ang tanda ni Julia kay Erich kaya parang anak ang turing niya sa pinakamamahal na kapatid.
Mas magaling daw mag-makeup si Erich kesa sa kanya.
Sabi ni Julia: “Sa kanya pa ako natututo, yung products, the right balms.
"Really, lahat ng knowledge ko, galing sa batang yan talaga. Lahat!
“Magaling pang mag-eyeliner yan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako marunong mag-eyeliner sa sarili ko.
"Ang galing ng mga bata ngayon.”
Read: Fernando Poe Jr.'s 2004 candidacy and untimely death: A lookback
MARJORIE'S CONTRIBUTION
Para sa unang negosyong itinatag niya, tiniyak ni Julia na may kontribusyon at partisipasyon si Marjorie bilang pagbibigay-pugay at pagpapahalaga sa kanyang ina.
“She didn’t ask for too much of a part, but I wanted her to be a part of it.
"I feel like ang dami ko na rin nagawa na hindi ko pa siya naisasama sa isang venture so this is the right time to give her," saad ng aktres.
Tumagal lamang daw ng halos isang taon ang conceptualization sa Bee Bee dahil sa suportang natanggap ni Julia mula sa kanyang pamilya.
Mas natagalan pa raw sila sa pagpili ng logo at packaging ng produkto niyang may apat na variants—Sweet Nectar, Beekeeper, Honey Drip, at Bee You.
Lahad ni Julia: “Less than a year actually [ang conceptualization]. It was a pretty quick process.
“Fortunately, I have my sister Danni, Viva Beauty na very much experienced na din on the business side, so I’m grateful.
“Yung logo at packaging, yun ang maraming balik. Actually, more than the formula and the colors, it was more that kasi first impression lasts.
“We really wanted it to be special but simple. I am really all about simplicity and easy maintenance.”
Read: Maine Mendoza insists husband Arjo Atayde not capable of stealing people's money
View this post on Instagram