Ang mga double program o dalawang pelikulang magkaiba at dating napapanood noon sa mga sinehan sa Pilipinas ang inspirasyon ng back-to-back screening ng 100 Tula Para Kay Stella at 100 Awit Para Kay Stella.
Idea ito ng Viva Films producer na si Boss Vic del Rosario.
100 Awit Para Kay Stella: 1st Surprise
Ang 100 Tula Para Kay Stella ay unang ipinalabas sa mga sinehan noong Agosto 2017 at ang sequel nito, ang 100 Awit Para Kay Stella, ay may cinema playdate sa Setyembre 10, 2025—na tinawag na National Relapse Day.
Sinubukan noong Setyembre 5 ang back-to-back screenings ng mga nabanggit na pelikula.
Sold-out ang tickets!
Dahil dito, nagdesisyon si Boss Vic na muling magkaroon ng back-to-back screenings sa piling-pili na mga sinehan ang proyektong pinangungunahan nina Bela Padilla at JC Santos.
Read: Mansion ni Amalia Fuentes sa Quezon City, giniba

100 Awit Para Kay Stella: 2nd Surprise
Itatanghal sa 221 cinemas nationwide ang 100 Awit Para Kay Stella, at may special ticket offer na 45% off.
Kaya ang magiging presyo ng tickets: less than PHP300 na lamang. Malaking kaginhawahan ito sa mga manonood.
Read: Carlo Acutis canonized as first millennial Catholic saint
100 Awit Para Kay Stella: 3rd Surprise
Ito ang unang proyekto ni Kyle Echarri sa Viva Films, at isa siyang revelation sa pelikula.
Dito niya pinatunayan na bukod sa magaling siya sa pagkanta ay mahusay rin siya sa pag-arte.
Tanggap ni Kyle na malaki ang posibilidad na maiinis ang cinema audience sa karakter na ginampanan niya sa 100 Awit Para Kay Stella, pero mali ang kanyang akala.
Sa halip, pinupuri ng mga dumalo sa special screening ang 22-year-old actor dahil sa ipinamalas niyang pagganap.
Kasama rin sa cast ng 100 Awit Para Kay Stella si Albie Casiño.
Nasorpresa ka ba?
Wala kasi siya sa ginanap na media conference kaya hindi alam ng mga tao na kasali siya sa pelikula.
Maiksi pero markado at mahalaga sa kuwento ang karakter ni Albie, na gaya ni Kyle ay nakipagsabayan sa husay sa pag-arte nina JC at Bela.