"Casting couch” victim ang isang aktor ng isang influential entertainment personality.
Minsan na nga raw pumasok sa isip niyang isiwalat sa publiko ang mga malulungkot na karanasan, pero pinigilan siya diumano ng production executive na pinagsumbungan niya.
Magiging malaking eskandalo kasi para sa kompanya na kapwa nila pinaglilingkuran, at pare-pareho raw silang masisira.
Iniyakan ng aktor ang unang pagkakataong may nangyari sa kanila ng influential entertainment personality.
Pero wala siyang nagawa at ginawa dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng showbiz career.
Read: Gandarang aktres na nagparetoke ng ilong, peg ang reynang aktres?
AKTOR, PALIHIM NA KINUHANAN NG VIDEO
Noong una, wala sa plano ng aktor na magsalita.
Pero nangibabaw ang poot sa kanyang dibdib nang malamang palihim siyang kinunan ng video ng influential entertainment personality habang magkasama silang nagbabakasyon.
Nakahubad daw ang walang kamalay-malay na aktor.
Nagbanta pa diumano ang influential entertainment personality na ikakalat ang video at wawasakin ang showbiz career ng aktor.
Ang motibo ng influential entertainment personality sa ginawa niyang pagbi-video: paghihiganti.
Nagtaksil daw kasi ang aktor, at nakipagtagpo ito sa isang babae.
Bago nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawa, limang taong nagpasasa sa katawan ng aktor ang influential entertainment personality.
Nang hindi na maayos ang problema sa pagitan nila dahil hindi na rin nawala ang poot sa dibdib ng aktor, unti-unting naramdaman ng aktor ang mga paghihiganti laban sa kanya.
Una, wala nang may gustong mamahala sa showbiz career niya dahil kinausap ng influential entertainment personality ang mga taong puwede sanang makatulong sa kanya.
At pangalawa, nakarating sa kaalaman ng aktor na ipinadala ng influential showbiz personality sa isang kaibigan sa industriya ang video na sikreto nitong kinunan.
Hanggang ngayon, taglay ng aktor ang galit sa taong nang-agrabyado sa kanya.
Kahit ilang taon na ang nakalilipas, pumapasok pa rin sa isip ng casting couch victim na magsalita at ibulgar sa publiko ang mga pang-aabusong seksuwal, mental, at emotional blackmail na naranasan niya.
Read: Promising young actor, younger sister ng isang aktor nagkabalikan