Ang korapsyon at katiwaliang kinasasangkutan ng mga opisyal ng pamahalaan ang pinagmulan ng mga kilos-protesta ngayon sa bansang Nepal.
Tinawag itong "Generation Z protests" dahil pinangunahan ito ng mga estudyante.
Marami ang nasugatan at 21 ang bilang ng mga namatay sa kilos-protesta na nangyari noong Martes, Setyembre 9, 2025.
Read: Discaya compound sa Pasig, sinugod ng mga nagpoprotesta
Sinunog ng Gen Z protesters ang Parliament building sa Kathmandu (ang kabisera ng Nepal) at ang mga tahanan ng mga opisyal ng gobyerno ng bansa.
Napilitan si Prime Minister KP Sharma Oli na bumaba mula sa puwesto matapos pasukin ang kanyang opisina ng mga nagpoprotestang nanawagan sa agad na pagbibitiw niya.
Kabilang sa mga sinunog ng Gen Z protesters ang tahanan ni dating Prime Minister Jhala Nath Khanal at ng asawa nitong si Ravi Laxmi Chitrakar.
Sa ulat ng New York Times, kritikal ang kalagayan ni Chitrakar, na isinugod sa Kirtipur Burn Hospital dahil sa malubhang pagkasunog ng kanyang katawan.
May insidente rin kunsaan ang mga nahuling government officials ay inihulog sa ilog ng mga nagpoprotesta.
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Cong. Arjo Atayde
WHAT TRIGGERED THE PROTESTS
Tuluyang sumiklab ang karahasan sa dating mapayapang demonstrasyon sa Nepal dahil ipinagbawal ng pamahalaan ang paggamit ng mamamayan sa mga pangunahing social media platform na Facebook, YouTube, at X.
Labis itong ikinagalit ng Generation Z protesters na itinuturing na malaking bahagi ng buhay nila ang mga mobile phone at social media.
Kahit binawi ng pamahalaan ang social media platforms ban, nagpatuloy at higit na naging bayolente ang mga kilos-protesta dahil lalong sumidhi ang galit ng mga Nepalese sa mga opisyal na tiwali at iniiugnay sa korapsyon.
Noong nakaraang buwan sa Indonesia, may nagbuwis ng buhay at humantong din sa panununog ng gusali ng pamahalaan at tahanan ng government officials ang mga kilos-protesta.
Naubos ang pasensya ng mga mamamayan ng Indonesia sa malawak na kaso ng korapsyon at katiwalian sa kanilang bansa.
May mga pangambang posibleng mangyari sa Pilipinas ang mga kaganapan sa Nepal at Indonesia kung walang magiging positibong resulta ang magkahiwalay na imbestigasyon ng Senado at House of Representatives sa contractors, congressmen, at tauhan ng Department of Public Works and Highways na may mga kinalaman sa maanomalyang flood control projects.
Read: Mga Pinoy, nakaka-relate sa mass protests sa Indonesia