PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano, binisita ang lolang nakilala niya noong kampanya

Luis Manzano, sinuklian ang kabutihang ipinamalas noon ni Nanay Rebecca.
by Jojo Gabinete
Published Sep 12, 2025
luis manzano nanay rebecca
TV host-actor Luis Manzano visits 79-year-old Rebecca Balanza in Lipa City. Luis first met Nanay Rebecca during the campaign for the May 2025 elections.
PHOTO/S: Luis Manzano YouTube

Ang 79-year-old na si Rebecca Balanza ng Lipa City ang isa mga taong nakasalamuha ni Luis Manzano nung panahon ng kampanya para sa May 2025 elections.

Kumandidato si Luis bilang bise-gobernador ng Batangas.

Hindi nakalilimutan ni Luis si Nanay Rebecca dahil sa munting kabutihanng ipinamalas nito sa kanila ng kanyang asawa na si Jessy Mendiola habang nangangampanya.

Sa kanilang pag-iikot ni Jessy, nakilala nila si Nanay Rebecca, na lumapit sa aktres at nag-abot ng biscuit na ipinabibigay sa kanilang anak na si Peanut.

Read: Robin Padilla denies flashing middle finger during "Lupang Hinirang"

jessy mendiola nanay rebecca
Jessy Mendiola gives Nanay Rebecca a hug after the latter gave the actress a biscuit during the campaign for the May 2025 elections in Lipa City.
Photo/s: Luis Manzano YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumatak daw kay Luis ang insidente kaya nang mabalitaan niyang sumailalim sa gall-bladder surgery si Nanay Rebecca, muli siyang bumalik sa Lipa City para dumalaw at magbigay ng tulong.

Sa kanilang pagtatagpo, sinabi ni Luis kay Nanay Rebecca, “Kayo po ang nagpasaya sa akin noong kampanya.

"Kahit hindi man ako pinalad, hindi man ako naging bise-gobernador, nakakakilala ako ng isang katulad ninyo.”

Itinampok ni Luis ang muling pagkikita nila ni Nanay Rebecca sa YouTube vlog ng Kapamilya TV host-actor ilang araw na ang nakalilipas.

Read: Charlie Kirk, activist and Trump ally, dies after shooting incident at Utah campus

LUIS MANZANO REUNITES WITH NANAY REBECCA

Itinuturing ni Luis na isa sa pinakaespesyal na pangyayari sa kanyang buhay ang pagkikita nila ni Nanay Rebecca.

Napatunayan daw niyang may mga tao pa ring mabubuti sa gitna ng maraming kaso ng korapsyon na nagaganap sa ating bayan.

Saad ng TV host-actor: “Sa panahon ngayon na mag-online ka, ang makikita mo puro kanegahan. Ang nakikita mo puro siraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang nakikita mo, puro mga gahaman sa pera at kung anu-ano pa.

"Tapos makakakita ka ng isang tao na kung anuman yung maliit o konti na meron siya ay buong-puso pa niyang ibibigay sa kanyang kapwa.

“Kung kailangan niyang ibigay ang damit na suot niya, ibibigay niya sa kapwa. Ganoon siya kabait."

Dagdag pa niya, “Si Nanay Rebecca ay nagkaroon ng problema kamakailan, naoperahan.

“Kung ganoon kabuti ang puso ni Nanay, siguro naman, oras na para tayo naman ang magpakita ng pagmamahal.

“Kung ano ang meron tayo, ibabahagi natin kay Nanay dahil yun ang karapat-dapat at sana, yun ang maging kuwento ng pang-araw-araw natin sa Pilipinas at sa buong mundo.”

Maligayang-maligaya naman si Nanay Rebecca.

Halos hindi raw siya makapaniwalang nagkaroon ng panahon ang TV host-actor na puntahan siya nang personal sa kanyang tahanan, matapos ang ilang araw na pagkakaratay niya sa ospital.

Nagbitaw rin ng pangako si Luis na muli nitong dadalawin si Nanay Rebecca, pero isasama na niya si Jessy at ang kanilang anak na si Peanut.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: "Congressmeow" Kiko Barzaga, gustong paimbestigahan si Speaker Martin Romualdez

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host-actor Luis Manzano visits 79-year-old Rebecca Balanza in Lipa City. Luis first met Nanay Rebecca during the campaign for the May 2025 elections.
PHOTO/S: Luis Manzano YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results