PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korean singer Daewon Lee, natupad ang hiling bumalik sa Pilipinas

Daewon Lee, nakipag-collaborate kay Aubrey Caraan.
by Jojo Gabinete
Published Sep 13, 2025
daewon lee selfish gut
South Korean singer, dancer, and actor launches his new song titled "Selfish Guy," a duet with Viva artist Aubrey Caraan.
PHOTO/S: @viva_records on Instagram

Naririto sa Pilipinas ang South Korean singer, dancer, at actor na si Daewon Lee para i-promote ang "Selfish Guy," ang sariling komposisyon niyang inawit nila ng Viva star na si Aubrey Caraan.

Nagkaroon ng katuparan ang collaboration nila dahil sa pagsasanib-puwersa ng Viva Communications Inc. at ng Milagro Korea.

Hindi baguhan si Daewon Lee sa ating bansa.

Siya ang lead vocalist ng K-pop boy band na Offroad mula nang itatag ito noong 2012. Minsan na silang nagtanghal sa Pilipinas noong Oktubre 2016.

Ang "Head Banging" ang hit song ng Offroad, pero may cover version sila ng "Huwag Ka Nang Humirit," ang 2016 single ni James Reid.

Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead

daewon lee offroad
Daewon Lee (extreme right) with the members of Offroad
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang magagandang alaala ni Daewon Lee sa Pilipinas kaya nangako siyang babalik sa bansa natin na nangyari dahil sa collaboration single nila ni Aubrey.

Solo artist na ngayon si Daewon Lee, na isa ring mahusay na mixed martial artist, dahil nabuwag ang Offroad noong Hulyo 2018.

Inilunsad ang "Selfish Guy" sa Viva Café ngayong Biyernes, Setyembre 12, 2025.

THE STORY BEHIND "SELFISH GUY"

Nang humarap si Daewon Lee sa entertainment press, ikinuwento niya ang labis na pangungulila sa ating bansa kaya maligayang-maligaya siya sa pagbabalik sa Pilipinas — na isang milagro para sa kanya.

Sa pamamagitan ng translator na kasama niya, sinabi ni Daewon Lee, “I actually performed here in the Philippines and the memories have a great impact on me.”

Read: Aktor, hindi misis ang babaeng kasamang nagbakasyon sa ibang bansa

Sa kanyang pagbabalik noon sa South Korea, hindi raw mawala sa isip at puso ni Daewon Lee ang Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Still, inside my heart, there’s always a place for the Philippines. Those memories wouldn’t go away so I just had to come back here.”

Nag-aral si Daewon Lee ng Tagalog para sa ilang linya ng "Selfish Guy," na isinulat niya base sa kanyang sariling karanasan sa pag-ibig.

Malungkot ang kanta nina Daewon Lee at Aubrey dahil sa tunay na buhay, pinili ng 34-year-old Korean singer-actor ang career nito kesa sa kanyang karelasyon.

“Selfish Guy” ang pamagat ng collaboration single ng dalawa dahil tanggap ni Daewon Lee na naging makasarili siya nang piliin niya ang kanyang showbiz career.

Umaasa si Daewon Lee na tatangkilikin ng mga Pilipino ang awitin nila ni Aubrey dahil kapwa sila nagbuhos ng kanilang mga puso para maipahayag nang tumpak ang artistikong kahulugan ng "Selfish Guy."

Read: Robin Padilla denies flashing middle finger during "Lupang Hinirang"

View this post on Instagram

A post shared by Vicor Music (@vicor_music)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean singer, dancer, and actor launches his new song titled "Selfish Guy," a duet with Viva artist Aubrey Caraan.
PHOTO/S: @viva_records on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results