PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabin Angeles-Angela Muji loveteam, ilulunsad na sa pelikula

Rabin Angeles-Angela Muji fans, nasasabik na sa unang pelikula ng loveteam.
by Jojo Gabinete
Published Sep 15, 2025
rabin angeles angela muji movie
Fans of Rabin Angeles and Angela Muji were thrilled after Viva Films released the teaser for the debut movie of the RabGel love team.
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / IdolPick

Nagbunyi ang mga tagahanga nina Rabin Angeles at Angela Muji dahil sa new movie alert na inilabas ng Viva Films.

Hudyat itong meron nang launching movie ang RabGel loveteam na nabuo nang magtambal ang dalawa sa Viva One original series na Seducing Drake Palma.

Inanunsiyo ng Viva Films noong Linggo, Setyembre 14, sa pamamagitan ng isang cryptic teaser video, ang proyektong gagawin nina Rabin at Angela.

Ikinatuwa ito nang husto ng kanilang mga tagasuporta.

Maliban sa cryptic teaser video na nagpapakita sa isang mata na may caption na "coming soon in cinemas at it’s gonna be extraordinary!" walang ibang ibinigay na detalye ang Viva Film tungkol sa unang pelikulang pagsasamahan ng RabGel.

Read: Vice Ganda praised for handling It's Showtime gaffes with poise

Kanya-kanya ng hula ngayon ang fans ng dalawa. May mga nag-isip na maaaring may kinalaman sa werewolf ang kuwento ng proyekto.

Pero higit nangingibabaw ang pagkasabik nilang mapanood sa big screen ang mga artista na kanilang iniidolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RABIN AND ANGELA REACT TO THEIR MOVIE'S TEASER

Para sa mga tagahanga nina Rabin at Angela, ang pelikula ng dalawa ang katuparan ng kanilang pangungulit sa Viva Films.

Ito ay matapos bigyan ng launching movie ang loveteam nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga, ang Minamahal: 100 Tula Para Kay Luna, na mapapanood sa mga sinehan simula sa Setyembre 24, 2025.

Parehong ibinahagi nina Rabin at Angela sa kanilang social media accounts ang cryptic teaser video ng upcoming movie nila.

Kitang-kita sa mukha ng dalawa ang labis na kaligayahan nang unang ipapanood sa kanila ang nakakaintrigang cryptic teaser video dahil ang pagkakaroon ng pelikula ang kukumpleto sa pagiging ganap na mga artista nila.

Matapos mapanood ang teaser video, ipinakita ni Rabin kay Angela na nanindig ang balahibo niya, at sinundan ito ng kanyang masuyong paghalik sa noo ng kapareha.

Read: Hollywood actor Charlie Sheen recalls time in the Philippines for two films

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans of Rabin Angeles and Angela Muji were thrilled after Viva Films released the teaser for the debut movie of the RabGel love team.
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / IdolPick
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results