Trigger Warning: Mention of rape
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng Tarlac ang 32-year-old model-actor na inaakusahan ng statutory rape dahil sa diumano’y pang-aabuso sa kanyang stepdaughter.
Nangyari ang pag-aresto sa model-actor sa Quezon City noong Setyembre 10, 2025.
Hindi pinangalanan ang akusadong tinakpan ang mukha sa larawang inilabas ng PNP-CIDG Tarlac.
Read: Former boxing world champion Ricky Hatton, 46, found dead
Sa panayam ng 24 Oras kay Police Major Arvin Hosmillo, sinabi nito: “Yung subject ay isang model at aktor ng isang adult film streaming platform. Inakusahan siya ng panggagahasa ng kanyang sariling stepdaughter.
“Isa siya sa regional most wanted person ng Police Regional Office 3.
“Itse-check namin kung meron pa siyang ibang kaso na kinakaharap at ire-refer namin yung kanyang warrant of arrest sa korte na nag-issue ng kanyang warrant.”
Lumitaw sa imbestigasyon na noong Pebrero 2025 ay humingi ng tulong ang model-actor sa Tarlac City Police dahil nawawala ang stepdaughter niya.
Pero may lumabas na anggulong lumayas ang stepdaughter para makatakas mula sa diumano’y pang-aabuso ng kanyang amain.
Nag-umpisa umano ang pang-aabuso sa stepdaughter noong siyam na taong gulang pa lamang siya.
Nang maglabas ng ulat ang 24 Oras Weekend tungkol sa pag-aresto, nagsaliksik nang mabuti ang publiko kaya natukoy nila ang katauhan ng male model at adult movie actor.
Ang ulat ng 24 Oras Weekend tungkol sa kasong ibinibintang sa model-actor ang naging basehan kaya nahanap ng publiko ang video at kopya ng dokumento ng paghingi niya ng tulong mula sa Tarlac City Police para matunton ang kinaroroonan ng nawawalang stepdaughter.
Eighteen years old na ngayon ang stepdaughter ng actor-model.
Read: Vice Ganda praised for handling It's Showtime gaffes with poise
ACCUSED'S CAMP SPEAKS UP
Sa kabilang banda, ipinagtanggol ng isang fashion designer ang inaakusahang model-actor sa pamamagitan ng Facebook post noong Setyembre 12, 2025.
May pahintulot daw ng misis ng model-actor ang Facebook post niya.
Nilinaw rin niyang sumuko at hindi inaresto ang model-actor.
Nakasaad sa post (published as is): “Huwag po lahat ng nababasa ay dapat paniwalaan! Mabibigyan linaw din po ang lahat ng usapin legal!
“Sa pagkakataon ‘to, mas mabuti huwag muna maghusga! At hintayin natin ang paggulong ng hustisya.
"Kumpare buo ko po si [pangalan ng model-actor]! Matagal na po kami magkakilala ng kanila pamilya!
“Opo, may mga problem sa kanila pamilya ngunit kailanman, hindi po niya ginawa ang mga pagbibintang sa kanya.
“Mismo si [asawa ng model-actor] po ang nakaalam ng katotohanan at hindi po siya nahuli. S’ya po ay sumuko!”
Tumanggi naman ang actor-model magpainterbyu dahil ipinauubaya raw niya sa kanyang legal counsel ang pagsasalita.
Read: Chinese actor Yu Menglong dies after falling from building