Siyam na araw mula nang idawit ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang kanyang pangalan bilang isa sa mga kongresistang tumanggap umano ng komisyon mula sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), muling nasilayan ng publiko ang aktor at Quezon City First District congressman na si Arjo Atayde.
Sa kanilang sinumpaang salaysay na binasa nila sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry noong Setyembre 8, 2025, binanggit ng Discaya couple ang pangalan ni Arjo at ng ama nitong si Art Atayde.
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde
Bunsod nito, inulan ng matinding online bashing ang pamilya ng mag-ama.
Agad na naglabas ng pahayag si Arjo para pasinungalingan ang paratang laban sa kanya.
Diin pa ng actor-politician, hindi siya nagkaroon ng anumang transaksyon sa construction company na pag-aari nina Sarah at Curlee.
Pero nakatikim pa rin siya at ang kanyang asawang si Maine Mendoza ng matitinding batikos mula sa publiko.
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money
ARJO ATAYDE VOTES FOR FAUSTINO DY III
Ngayong Miyerkules, Setyembre 17, 2025, muling nasilayan ng publiko si Arjo nang bumoto siya para sa bagong Speaker ng House of Representatives na ipapalit sa nagbitiw na si Martin Romualdez.
Nagkaroon ng mga hinalang apektado at dinamdam ni Arjo ang halos araw-araw na online bashing laban sa kanila ni Maine at sa pamilya nila dahil, bukod sa pumayat ang kanyang pangangatawan, napansing tila nag-mature ang hitsura niya.
Si Deputy Speaker of the House Faustino “Bojie” De Guzman Dy III, na nahalal bilang 29th Speaker of the House of Representatives of the Philippines, ang ibinoto ni Arjo.
Read: Arjo Atayde on Discayas: "I’ve never dealt with them."
KIKO BARZAGA ABSTAINS
Nag-abstain naman sa pagboto ang kontrobersiyal na si Cavite Fourth District Representative Kiko Barzaga.
Naging kontrobersiyal at biglang nakilala ng publiko si Barzaga dahil sa lantarang pagbatikos nito kay Romualdez, at sa kanyang “Congressmeow” na pakilala sa sarili bilang animal-welfare advocate siya.
Nagtawanan at nagpalakpakan ang mga tao sa plenary hall ng House of Representatives pagkatapos magsalita ni Barzaga ng “I abstain.”

Nangarap si Barzaga maging kapalit ni Romualdez bilang Speaker of the House, pero hindi siya sineryoso ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives.
Dalawang oras matapos magbitiw ni Romualdez mula sa puwesto, naglabas ng pahayag si Barzaga: “I urge the Government to provide a Hold Departure Order to ensure that Former Speaker Martin Romualdez will be held accountable for any crimes he may have committed.”
Read: "Congressmeow" Barzaga gustong paimbestigahan si Martin Romualdez