May mga nakapuna sa hindi pagpapansinan umano nina dating House Speaker Martin Romualdez at Navotas Representative Toby Tiangco nang magpang-abot sila sa soft launch ng Meralco Theater noong Setyembre 13, 2025.
Ang okasyon ay nagsilbi ring 68th birthday celebration ni President Ferdinand Marcos Jr.
Pinag-usapan ang soft launch ng refurbished Meralco Theater dahil sa pribadong pagtatanghal ng American R&B group na Boyz II Men at ni Nicole Scherzinger, na inimbitahan ni Manny Pangilinan ng MVP Group of Companies.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
Si Tiangco ang nag-aakusa kay Ako Bicol party-list Representative Rizaldy Co ng budget insertions sa flood control at infrastructure projects sa bicameral conference committee version ng national budget na nagkakahalaga ng P13.8 billion.
Si Co ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni Romualdez.
Kasalukuyang nasa Amerika si Co, mula pa noong Hulyo 2025, dahil umano sa pagpapagamot nito.
Pero ngayong Biyernes, Setyembre 19, pinawalang-bisa ng bagong halal na Speaker of the House na si Faustino Dy III ang travel clearance ni Co.
Ipinag-utos ni Dy kay Co na bumalik ito sa Pilipinas sa loob ng sampung araw, at sagutin ang mga paratang na may kinalaman siya sa anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng bilyung-bilyong piso.
Read: Zaldy Co, Martin Romualdez deny kickback claims by the Discayas
TIANGCO ADMITS RIFT WITH ROMUALDEZ
Sa panayam ni Boy Abunda kay Tiangco sa The Interviewer YouTube channel ng TV host, inamin ng Navotas representative na may hidwaan sila ni Romualdez.
Pinsang-buo ng asawa ni Tiangco na si Michelle si Romualdez — isang katotohanang magkakamag-anak at magkakaibigan ang mga pangunahing tauhan sa malaking usaping yumanig sa mga Pilipino.
Hindi inilihim ni Tiangco ang alitan nila ng dating House Speaker nang tanungin ni Boy, “What happened to you and Martin?”
Lahad ni Tiangco: “We’re friends for over thirty years, maybe almost forty, kasi thirty-one years na kaming married ni Michelle, who is his first cousin.
“I have to choose between my friendship with Martin and the legacy of the President.”
Malapit kay Tiangco kay President Marcos dahil pinsan din ito ng kanyang misis.
“Bakit nagalit sa yo si Martin?” sumunod na tanong ni Boy.
Paliwanag ni Tiangco: “Ang problema dun nung una, madami… I mean, yung mga nakapaligid sa kanya.
"Huwag na yung galit niya sa akin, 'no? Huwag na yon. Kalimutan na natin yon, okay lang naman sa akin yon.
"That’s politics between me and Martin.
“Talagang hindi ko na lang siya maiboto na Speaker nung time na yon because nga of what happened dun sa 2025 budget.”
Read: "Congressmeow" Barzaga gustong paimbestigahan si Martin Romualdez
Tanong ni Boy: "May kahihinatnan ba ang imbestigasyon na nangyayari? Makakakita ba kami ng hustisya with Congressman Zaldy Co, halimbawa, Speaker Romualdez at marami pang iba na kaalyado at kamag-anak ng presidente?
“Yes!” reaksiyon ni Tiangco sa tanong ni Boy.
"In one interview, di ba sinabi nga niya [Marcos], 'Kung ganyan sila, hindi ko na sila kaalyado simula ngayon.’
"And he is serious. Very serious. Nakita niya kasi.
“Sa isang interbyu, sabi niya, ‘People don’t deserve this. Naghihirap na sila. Bakit sila ginaganito?'”
Nang magbitiw si Romualdez bilang House Speaker noong Setyembre 17, si Dy ang ibinoto ni Tiangco bilang kapalit ng pinsan ng kanyang asawa.
Pero inamin din ni Tiangco na kung siya ang masusunod, ang TV producer at Bacolod House representative na si Albee Benitez ang napipisil niyang bagong speaker ng House of the Representatives.
Read: Arjo Atayde, muling nasilayan matapos idawit ng mga Discaya